FURIA "Bakit Mona Lisa ang ipinangalan sa'yo?" Agad na bungad nito sa akin matapos kong magbanyo. Grabe naman itong lalake na'to, hinintay talaga ako. At hindi lang siya ang nakikita ko, may cameraman sa isang tabi. Why are they recording this? Ipinagkibit ko na lang ng balikat ang naka-focus na camera. "Eh kasi ipinaglihi ako sa painting ni Mona Lisa" sagot ko kay Ezra. "For real?" He asked at saka inilahad ang kamay sa akin. Kanina pa ito naka alalay sa akin sabagay pabor sa'kin kasi naka highheels naman ako. "Yes but my friends call me Mon-mon, mahaba na daw ang Mona Lisa" kwento ko sa kanya para may mapagusapan lang. Nagulat nalang ako nang dinala ako sa tapat ng kwarto ko. "Oh, tapos na ba ang date natin?" I asked. He laughed. "No, you need to change your shoes Mona Lisa, go I'l

