BASAG Agad nanoot sa balat ko ang malamig na bugso ng aircon sa pwesto ng mga milyonaryong pala-derby. Napatingin din sa amin ang mga lalake at bahagyang kumunot ang noo, yung iba ay kilala na kami pero syempre ay hindi naman lahat ay nakakakilala sa amin lalo na at malakihang derby ang magaganap. "Doon ka sa kabilang banda" Ben said at saka pa ako itinulak nang makitang dumipa ako para malamigan naman ang kili-kili ko ng aircon. "Fine" sabi ko kahit na makikisik-sik pa ako sa mga lalakeng prenteng nagke-kwentuhan. A-angal pa ba ako eh siya na nga ang nagdrive ng motor at nagdala sa amin dito? Bahagya akong yumuko at ang dinadaanan ko lang ang binibigyan ko ng pansin pero namataan ako ni Hepe na may kausap na dalawang may katandaan naring lalake. "Oh, Mona Lisa nasaan si Benedetta?"

