CHAPTER 6 "BUCKET"

1124 Words
BUCKET Dahil sa pagtawag niya sa akin at hindi dahil sa biglang pagtayo ko naramdaman ang sabay-sabay na paglingon ng mga kababaihan sa akin. All including Air's sister Shanta and cousin Noah. Napag alaman ko din kay Elmer's Glue na pinsan pala nila si Noah. Daming alam ni pareng Elmer eh. And I wonder why. Saka ko nakang tatanungin. Napatingin ako nang diretso sa mga mata ni Air. His olive coloured eyes were directly staring at me. Nakakailang, shocks. "Where are you going?" He asked casually na parang normal lang na tanungin niya ako at magkaroon ako ng dialogue sa kanya. "Sa kubeta" sagot ko. Natawa ang mga babae.  Ano ba ang mali sa sinabi ko? "Kubeta?" Air asked. "Kubeta, Kasilyas? What is wrong with the words?" "You can always say you're going to the loo! Omg" sabi ng isang jogabels. Tinignan ko siya, nakaismid ito sa akin. Matangkad, skinny at boobsy. "Ano ang pinagkaiba?" I asked. Maka-correct akala mo naman may mali sa sinabi ko. "Well loo is the elite way of saying toilet my dear" sabi nito. "Oh well, kubeta is my way of saying banyo my dear!" Taas noo ko. Nagmukha siyang nandidiri sa salitang ginamit ko at tinignan pa ako mula ulo hanggang paa. Ang lakas makamatapobre. "And mind you it is a borrowed word from spanish cubeta which means "bucket", now do you know the etymology of the loo word you have been rubbing to my nose?" Pamaywang ko. Intrimiditang giraffe 'to. Napalunok naman ito. Obviously walang alam ang head. "You have been using the word loo, trying to gain poise but don't you know that it is the informal way of saying toilet? Next time miss, try to love your language first before anything else. Pwede?" Sabi ko sa kanya kaya namula ang mukha niya. "As for you Mr Allegro, sasama ka ba sa kubeta?" Baling ko sa kanya. Natawa si Emery sa tinanong ko. Oo nga naman bakit ko naman siya isasama sa kubeta? Nagpunas siya ng labi. "Sure" sagot nito and the ladies gasped. "Di joke lang, kumain ka na dyan" sabi ko sabay peace sign pero ang siste, sasamahan talaga ako? Hindi niya ako sinagot "Excuse me ladies" tanging sabi nito at pumunta sa kinatatayuan ako. "This way Miss Mariano" he said kaya wala na akong nagawa kundi ihakbang ang mga paa ko pero bago ko ginawa yun ay sinulyapan ko muna ang mga kababaihan at nakatingin silang lahat sa amin. Gosh, di na ako magtataka kung kalahati ng total nila ay hate ako. Matapos maisara ang dining hall ay tahimik lang kami. Hindi siya kumikibo habang naglalakad sa tabi ko, mainam sana kung nakaangkla ang braso ko sa kanya diba? Kaso waley. Huminto siya sa tapat ng isang pintuan. At saka ako tinignan. "S-salamat"  sambit ko. The air was thickening. Bakit ba ako nito pinagmamasdan? "I brush my teeth atleast 3 times a day, did I pass your standards in the oral hygiene department, tell me" he said. "H-uh?" Napamaang kong sabi. "I watched the video. What are you thinking?" He snapped his fingers infront of my very eyes. Tila naman hudyat iyon para maalala ko na tinanong ko pala sa video if he brushes his teeth  verywell. "Mouth washing?" I asked. "Listerine blue" Ngumiti ako. "Ok" sambit ko satisfied. "And you?" He asked, parang ang awkward naman na ang topic namin ay mouth wash at pagsisipilyo. "Ahm, I am brushing my teeth differently" sambit ko, sasabihin ko bang minsan bayabas ang panglinis ko ng ngipin? Of course not. He looked at my mouth. "I wonder how" he said at saka binuksan ang pintuan ng banyo. Napatingin ako sa loob, ang luwag. "Di mo na ako kailangan hintayin, please go back to the dining area" I asked him. "Inuutausan mo ako?" "I used the word please, therefore nakikiusap ako, iba yun sa inuutusan" sambit ko. "Anong gagawin mo sa loob?" He asked. Takte naman 'tong hangin na ito! Alangan naman na bibilangin ko yung tiles? "Jejebs" sagot ko. "Jejebs? What's that? Spanish word din?" "Niloloko mo ba ako, you are half spanish! Alam kong alam mo na ang jejebs ay hindi español" may iritang sabi ko. He smirked. "So ano ang jejebs?" Namula ako sa tanong niya. Can't he just ask another question? This is so embarrassing, bakit ba kasi jejebs ang sinabi ko? Ok, it's ok to say tatae ako but can I say that to his face? Shocks. Nakakabawas ganda. "I'm waiting, what is jejebs Mona Lisa?" He asked. Base sa galaw ng mata niya alam kong pinagtitripan ako nito. "Magdedeposit ako sa loob, ok na?" Medyo umiinit na ang mukha ko sa hiya. "Kailan pa naging banko ang banyo?" He furrowed. "Air naman eh" I stomped my right foot. He chuckled. Omg he chuckled. Napatanga ako sa mukha niya. Tila naman naconcious siya sa ginawa ko at nag-iwas siya ng tingin. "You have a delicious chuckle." Saad ko. "See you later" sabi nito at saka na ako iniwan. Napasunod ang tingin ko sa kanya. Nawala ang kagustuhan kong tumae. Kung nakakawala ng urge tumae ang mga halakhak niya, baka magiging constipated ako nito. I decided to just wash my hands. At napatingin ako sa mukha ko sa salamin. Biglang bumukas ang pintuan ng banyo kaya nagulat ako. "Sorry I didn't mean to startle you" Shanta said at saka lumapit sa tabi ko at may kinutkot sa pouch niya. Lipstick. Habang naglalagay siya ng lipstick ay napatingin ako sa mukha niya mula sa salamin. She has the same eyes with Air and Noah, maybe all Allegros have the same eyes. Malay ko ba? "I am Shanta" sabi niya pero hindi naman nagabot ng kamay sa akin. Hawak parin niya ang lipstick niya at sa salamin din nakatingin. "Yes, Emery told me your name" sabi ko at naghugas muli ng kamay, wala akong magawa eh. "You have met Emery? " she said kaya tinignan ko siya. "Kanina lang" sambit ko. "Emery is Noah's, let say stalker" "Stalker?" Tanong ko at medyo naguluhan. Kasi bakit kasama namin siya na gustong maging asawa ni Air kung si Noah pala ang bet niya? May amats pala yun eh. Tumawa si Shantal. "Oh, she is. Noah accepted her in this game with the hopes that Emery will be diverting her attention to Air" "Sumali ba siya dito?" Tanong ko. "She did, nalaman kasi niya na titira si Noah kasama niyong mga contestants dito sa mansion" "Ay may amats pala ang babaeng iyon, inlababo" sabi ko. Shanta laughed softly. "Anyway goodluck and have fun." Sabi nito at saka ako tinalikuran. Saka naman nagsipasukan ang ibang mga babae kaya lumabas na din ako. Ang tanong, saan naman ako pupunta habang nasa kubeta ang iba? Nasaan kaya si Air? Hmmmn...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD