CHAPTER 13 "MURIT"

2510 Words
ANTONELLO Hindi ko akalain na tototohanin ni Rhaiza na dadalhan nya ako ng lunch sa Site. Ang sabi ko ay Hwag na ngunit mapilit sya kaya hinayaan ko na. Nagpaalam din sya sa akin na sasamahan nya si Zhel ang pinsan ni Vito na kaibigan nya dahil may bibilhin daw sa Festival Mall. Hinayaan ko naman dahil wala naman din syang gagawin sa bahay. Ibinigay ko sa kanya ang Debit Card ko para kung sakaling may bibilhin sya ay gamitin nya lamang ito. Nakita ko kasi sya nung nakaraan na tila may kino compute. Nakita ko rin ang resibo ng Money transfer nya para sa kanyang kapatid, marahil pang tuition at Budget nito iyon. Nag Notif sa akin kanina na nag check balance ang card ko ngunit wala namang nabawas dito. Dahil manager ang isa sa mga dati kong ka klase sa isang Cyber Shop na iyon ay nabanggit nya na may babae daw silang customer. Akala daw nila ay bibili na ito dahil naiabot na daw ang Card ko. Nagtaka pa nga daw sya dahil Antonello Lanzuela ang nakalagay pero nung i swa swipe na daw ay bigla na daw nag bago ng isip ang babae na tila daw parang nanghinayang. Dahil sa kwento ng dati kong ka klase ay nakadama naman ako ng awa kay Rhaiza, siguro naiisip nya na baka wala na matira sa sahod nya . Agad ko syang tinawagan at sinabi ko na ipagtabi ako ng unit na gusto ni Rhaiza at bukas na bukas ay Dadaanan ko. Pag uwi ko noong gabi ay nag usap kami sinabi nya na di nya daw binili ang laptop dahil nga nanghihinayang sya. Tinanong ko rin sya bakit hindi sya bumili ng ibang kailangan o Gusto nya, ngunit tulad ng sabi nya ay wala naman daw syang kailangang bilhin dahil meron daw naman lahat ng kailangan nya. Hindi ko alam ngunit hindi sya makatingin sa akin ng diretso na tila ba naiilang sya. Bigla ko naalala, Nakita ko ang panty nya sa sampayan kagabi. Marahil nawala sa isip nya na isilong kaya ako na ang nagpasok sa loob para di mahamugan. Nanlaki pa ang mga mata ko ng makita ang Panty nya. Mukang ilang panahon na ang pinagdaanan. Parang Garter lang ata ang pinalitan. Kaya naisip ko na baka sakali na bibili sya ng Bagong Panty pero hindi rin pala. Kaya kinabukasan noong breaktime ay sumaglit ako sa Mall. Pumunta ako sa Cyber shop kung saan naroon ang ka klase ko na manager. Habang inaasikaso nya ang unit na pina reserve ko ay nag ikot muna ako sa Mall. Hangang sa mapadpad ako sa Men section. Bumili ako ng 2 boxer. Bigla ko naalala si Rhaiza at Ang Panty ni Rhaiza, mukang ako na lamang ang bibili dahil mukang sya ay tila walang balak pa graduate-tin ang nasabing panty. Kaya nang lapitan ako ng sales lady saka ako humingi ng tulong dito. "Anything Sir?" "Ahm..Miss, ahm naghahanap kasi ako ng underwear ng babae, pwede bang ihanap mo ako, ikaw na ang bahala basta comportable isuot." Medyo nahihiyang wika ko pa. Napangiti naman ang saleslady. "Ah sige po sir, dito po tayo.' Aya nya sa akin saka ako dinala sa pwesto ng mga Panty. Kung alin ang sinuggest nya ay yon na lamang ang binili ko. Isang dosena iyon na nakalagay sa Box. Pinabalot ko rin iyon saka inilagay sa paper bag. Pagbalik ko naman kay Aries ay ok na rin ang laptop. Pina check lamang nya sa akin ang laman. Nang matiyak na ayos ang laman ay nakisuyo ako na Ipa book na lang namin ito sa Lalamove kaya naman pinasama ko na rin ang paper na aking binili. Nagpaalam at nagpsalamat din naman ako kay Aries saka ako bumalik sa Site, ang courier na ang bahala mag deliver sa bahay. Ilang oras nga lamang ay na receive ko na ang message ni Rhaiza kaya sinabi ko na para sa kapatid nya ang Laptop, at ang nasa paperbag naman ay para sa kanya. Hindi naman siguro sya ma o offend sa ginawa ko? Binilhan ko lang naman sya ng Panty kasi nakita ko ang mga panty nya sa sampayan. Bahala na, basta binilihan ko sya tapos. Pagdating ko sa bahay ay sobrang tahimik. Pero alam ko na nakaluto na sya dahil pagpunta ko sa kusina ay luto na ang pang dinner namin. Hinihintay ko sya bumaba ngunit di ko alam kung tulog ba sya o ano eh alam nya naman na ganitong oras ako dumadating. Kaya kinatok ko sya sa kanyang silid. "Rhaiza..Rhaiza." tawag ko. "Engr. Nariyan na po pala kayo, pasensya na nakaidlip pala ako." Wika nya kaya dali daling bumaba patungong kusina para maghain ng dinner namin. Habang kumakain kami ay tanging ingay ng pingan at Kutsara lamang ang maririnig. Hangang sa matapos kami at doon lamang sya nagsalita. "Ahm, Engr.Salamat po pala sa binili nyo, sa pagpapaluwal ng laptop pwede po bang 15k muna ibigay ko, then pwede po ba na 2500 per month lang po ang ikaltas nyo po sa akin?" Anya nya habang inaayos ang aming pinagkainan. "Sino bang maysabi na sisingilin kita monthly?" "Luhh? Pero Engr. Hindi po biro ang 50,000 napakalaking halaga po noon." "Ganon ba? Ok ganito nalang sige tatangapin ko yang 15,000 mo then yun lang the rest is Bigay, isipin mo nalang na scholar ko yon para sa kapatid mo." Anya ko dito. Noong una ay nahihiya parin sya ngunit bandang huli ay napapayag ko rin. Pero yon lamang ang pinag usapan namin. Hundi ko na rin pinaalala ang tungkol sa Panty at ayoko naman na mahiya pa sya sa akin. Samantala RHAIZA ELIZE Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako kagabi. Nagising lamang ako ng katukin ako ni Engr. Kaya naman agad ko inasikaso amg dinner namin. Nagpasalamat din ako sa pagpapaluwal nya sa laptop ngunit nagulat ako mg sabihin nyang bigay nya iyon. Nagulat ako dahil di naman biro ang halaga noon kaya di ako pumayag. Pero anf sabi nya sa akin ay yung fifteen thousand na lang ang tatangapin nya at the rest ay isipin ko daw na scholar nya para kay Ranna. Pumayag na rin ako dahil wala naman akong magagawa, pero salamat kay Engr. Yon lang naman ang pinag usapan namin, hindi ko na rin naman binanggit sa kanya amg tungkol sa Panty. Nakakahiya naman na Bangitin ko ang Pag i scholar nya sa akin sa Panty. Hindi na nga ako makatingin ng diretso sa kanya kanina eh, pakakabahin ko pa ba ang sarili ko?. Kinabukasan naman ay masaya kong ibinalita kay Ranna ang tungkol sa Laptop nya. Labis ang tuwa ng aking kapatid sa nalaman. "Naku Ate, pakisabi po kay Sir Engr. Salamat po ah." "Sige, basta mag aral ka ng mabuti dyan ah mag sabi ka lang kay ate kapag may mahalaga kang kailangan at gagawan natin ng paraan." Anya ko pa sa kabilang linya. Matapos namin mag usap at ganado naman ako sa aking trabaho. Nagpapasalamat ako na marami parin ang mabubuti. Maya maya lamang ay naka receive ako ng tawag mula kay Zhel. "Oh?.Anong Problema? Birong tanong ko dito. "Ay, Problema agad? Paano kung di ko ibigay itong Prize.mo?" Wika nya. "Ay Talaga may prize yan ba yung?' "Oo yung sa ISUBO mo, SAGING ko. haha hindi natin nakuha ang unang pwesto pero pang Second ka BFF. Haha not bad sa First Timer na Sumubo, haha sumubok pala, haha pero at least diba..Ibig sabihin nyan mas galingan mo pa sa susunod hahaha." "Luhh? Parang ayoko na nga ihhh." "Bakit naman?" "After kasi nyang video na ginawa natin nung palabas na ako sa kusina naabutan at nabangga ko si Engr. Kaya di ko alam kung nakita nya ba yung ginagawa ko o ano. Pero pawis na pawis sya, ang sabi nya ay kumuha lamang sya mg tubig." Kwento ko kay Zhel. Rinig ko naman ang paghagalpak nito ng tawa. "Hahaha, Hmm.. palagay ko nakita ka nyan na sumusunbo kaya pawis na pawis haha. Wala na talaga, dami ng alam ni Antonello sayo. Pati ang Panty mo alam na nya ang hilatya kaya binilhan ka na hahaa." "Hmm..Oo na..ang dami nya ng alam sakin pero ako walang alam sa kanya, masyado kasi syang pa mystery. Ilang buwan na ako dito pero never nagpalinis ng room nya yan. Sya ang kusang naglilinis. "Hmmm..Ano kayang itsura sa loob ng room nya ano? Ang sabi ni Kuya Vito matagal nya na kaibigan yan. Lalaki daw naman talaga yan, pero never pa daw yan may ipinakilalang jowa sa kanila after ng unang ex nya" tsismis pa ni Zhel. "Ah, so meaning nagka GF naman.kaso dina nga lang naulit?" "Oo yun ang sabi ni Kuya Vito." Anya pa nito. "Ah i see baka na Broken ano kaya di na nagmahal ulit?" Anya ko pa. Naging maayos naman ang mga sumunod na araw namin. Tulad ng ginagawa ko ay palagi ko parin syang pinagluluto. Minsan ay may time na maaga na naman sya. Kaya tulad ng dati kong ginawa ay dinalhan ko na lamang ulit sya ng Pagkain. Sinabi ko naman kay Zhel na pupunta ulit ako sa site. Nagulat ako ng sasama daw sya ulit. At in fairness. Tulad ko ay naka Shirt, pants at sneakers na din ito, pero PLAKADO syempre. Nang nasa site na kami ay naglakad na kami Patungo doon sa dati naming pinuntahan. Ilang linggo na rin ang nakakaraan meron na ring tinayo na Tila Canteen malapit roon. Kaya nag desisyon kami ni Zhel na doon na muna maghintay. Sinabi ko rin kay Engr. Naroon kami. Nag reply naman sya sa akin na padating na sya. Naupo kami ni Zhel sa medyo dulo. Malaki ang Canteen na iyon. Karamihan sa customer ay mga trabahante syempre. May mga kumakain, Nagkakape at iba pa. Bumili naman si Zhel ng Soft drinks habang naghihintay kami. Dahil naririndi sya sa isang tindera na panay ang parinig. "Yung hindi naman bibili at Kakain pwede na muna lumabas, hindi po ito tambayan,at Pahingahan! Sa Mall po kayo tumambay bulyaw nito, nakaramdam naman ako ng awa sa mga trabahador na namamahinga lang sandali." Napataas naman ang kilay ni Zhel sa narinig. "Aba...Sino ang Bulldog na to? Lakas ng loob mag parinig, Basta Talaga mga Tindera sa Karinderya kalimitan masusungit akala mo sila ang may ari. One line lang naman ang Kilay..!" Anya pa ni Zhel. "Hoyy..bunganga mo." "Hi Miss May Sinasabi ka?" Anya sa amin ng Tindera na naka one line ang kilay. "Wala, ang sabi ko Oorder sana ako ng Pabango pero mukang wala naman kayo." "Bat ka Oorder ng Pabango eh Karinderya to?" "Para sayo! Yang Bunganga mo kasi Pasmado at mabaho ang lumalabas! Nag sipilyo ka ba bago ka pumarito? Saka yang kilay mo di ko Gusto." "Aba..Aba.Teka.." "Hephep...Sige subukan mo! Kalbuhin ko lalo yang kilay mo.! Anya ni Zhel kaya inawat ko na ito. Lumapit din naman sa amin ang dalawang babae na sa tingin ko at Tauhan din ng Cantene. "Murita tama na, nakakahiya sa mga customer." Anya ng isang babae. "Oo nga naman Murita, Magagalit na naman si Madam She kapag nalaman ito." "Bakit mag susumbong ba Kayo? Kayong dalawa hwag kayong umepal dito dahil bago lang kayo dito Rachelle at Wena mas matagal na akong kilala ni Madam She kaya hindi nya Kayo Paniniwalaan." Malakas na loob na wika pa nito. "Alin ang Di ko paniniwalaan Murita? Alam ko na ang lahat ng mga ginawa mo! Pinanood ko din ang CCTV di ko akalain na magagawa mo akong Kupitan. Gusto mo pa na ibintang ko kay Wena dahil sya ang naka assign sa Kaha nung araw na yon?" Wika ng babae na sa tingin ko ay syang may ari dahil tinawag nila itong madam She. "Madam She...Kasi ano..Ahm.." anya pa ni Murita ngunit di na ito pinansin ng may ari. "Huling araw mo na ito Murita. Ibibigay ko na ang huling sahod mo, kahit na dapat ay wala na dahil puro bale kana." "Si..Sige po Madam She." Sagot naman nito at akmang aalis na. "Bye MuRITA, bagay sayo name mo Kasi MURIT ka haha MURITA KUPITERA ka pala eh haha, Saka mo na ako yabangan kapag ikaw na ang may ari ng pinakamasarap na kainan, saka kapag di na one line ang kilay mo haha" Pang iinis pa dito ni Zhel. Maya maya ay lumapit sa amin ang Babae na nag ngangalang Madam She. "Pasensya na kayo kung nabastos kayo ni Murita. Ilang construction worker na rin ang nag reklamo sa kanya." "Wala po iyon, mauunawaan naman po sana namin kung marami pong kakain, kaya lang po marami pa naman pong space pero kung sigawan nya yung mga tao daig nya pa po kayo." Wika ko naman. "Pasensya na talaga, teka may hinihintay ba kayo? "Ah opo yung Boss ko si Engr.Antonello po" "Ah talaga Boss mo sya? Suki namin yun sila sa meryenda" anya pa ni Madam she. "Miyuki Diba Crush mo si Engr.Antonello? Ayiee." Wika pa ng isa sa mga waitress ni Madam She na Meagan ang name tag. "Hey enebe kinikilig ako." Anya naman ng babae na tinawag sa ngalan na Miyuki. Hangang sa Dumating na Sila Engr.Anton kasama nya ulit si Engr.Ae at ang dalawa pa na bagong lalaki na ngayon lamang namin nakita. "Hala ayan na sila..I'm so Kilig." Anya pa ng isang waitress na naroroon. "Wena, Rachelle, Miyuki at Meagan balik na sa trabaho madami ng customer." Utos ni Madam she dito. "Yes Madam." Sabay sabay na wika ng Apat kaya naman nagbalikan ito sa kani kanyang pwesto. "Sige Mga Hija, maiwan ko na muna kayo andyan na rin pala sila Engr.Anton. Hwag kayo mahiya open itong canteen kahit kanino." Nakangiting wika sa amin ni Madam She. "Buti pa to Si Madam She, Lowkey kahit may ari ng canteen, Di Tulad ni Murit." Anya pa ni Zhel. Nang makapasok sa Canteen sila Engr.Anton ay tila nag init ang apat mna Sulok ng kainan. Apat na Gwapong Lalaking Pawisan ba naman ang Pumasok. Agad kong nilabas ang Pagkain na dala namin. Ipinakilala nya naman sa amin ang dalawa nyang bagong kasama na sina Clyde at Codee tulad nila ay Engineer din ang mga ito. "Nice to Meet You mga Gingineer Hug Sa Tita, mga pawisan kayo buti nalang mababango parin kayo, sa susunod dadala ako ng Bimpo ah para di kayo pawisan." Biro pa ni Zhel kaya nagtawanan naman ang mga kasama ni Engr.Antonello. "Engr.Ae.. extra plate nyo po para di ka.mahirapan sa pagkain." Anya ni Rachelle saka inabutan ng Pingan si Engr.Ae. "Nako salamat Rachelle, alam mo na talaga ang kailangan ko, thank you ha." Wika ni Engr.Ae saka nagpasalamat dito. "Welcome Engr.Ae, ikaw pa ba?" Nakangiting tugon naman nito,Saka umalis. Kita ko ang ngiti sa mata nya, pero Taken na Si Engr.Ae. "Hey.. Rhaiza bat ang layo ata ng iniisip mo?" Anya ni Engr.Anton. "Huh? Naku wala Engr. Naalala ko lang yung eksena kanina." Anya ko na lamang dito at As Usual si Zhel na naman ang nag Bangka sa Kwento. Kaya habang kumakain sila, si Zhel naman ang bumabangka. Napangiti na lamang ako. Wala talaga pagod ang bibig ng kaibigan ko twenty four seven.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD