ANTONELLO Ang mga sumunod na araw at lingo ay mas naging maganda. Hindi ko nasabi sa kanya ng harapan. Pero nung one time na tulog sya ay hinaplos ko ang kanyang pisngi, saka ako nag I love you sa kanya. Tulog naman sya noong time na yon. At simula noon ay napakagaan lalo ng pagsasama namin sa bahay. Di parin mawawala ang biruan kapag dumadating ako sa Site. Natatawa na lamang ako sa mga hirit ni Clyde at Codie. Maayos naman ang takbo kung ano ang meron kami, ngunit isang araw di ko inaasahan ang tawag ni Everette. May pinapaayos na naman sya sa bahay nila. Kaya naman kinabukasan ay nagpunta ako dahil iyon ang libreng araw ko. May usapan naman kami ni Rhaiza na papanoorin namin sa netflix yung isang bagong Palabas kaya excited na rin ako para mamaya. Pero kailangan ko muna puntahan si

