ANTONELLO
Nagising ako na masakit ang buong katawan pero nasa loob na ako ng kwarto. Pumipitik ang aking sintido at masakit ang aking katawan at Ulo. Marahil sa nainom ko kagabi. Nagulat pa ako ng bigla bumukas ang pinto at iluwa noon si Mama at aking kapatid na si Angelo.
"Hmm..Sa wakas Gising ka na! Pinag aalala mo kami Antonello!" Anya ni Mama sa matigas na pagkakasabi.
"Bakit Galit ka Mama? Ano bang atraso ko?" Tanong ko saka hinimas ang aking ulo. Napatingin ako sa orasan at alas onse na ng umaga.
"Hindi mo ba alam, Naabutan ka ni Angelo na nakahandusay sa Sahig kanina at walang malay! Mabuti na lamang pala at dumaan ang kapatid mo. Antonello naman mag ingat ka naman Anak, May nararamdaman ka ba? Magsabi ka sa amin kapag may nararamdaman ka." Pagtatalak sa kin ni Mama.
"Ma, ayos lang po ako, naalala ko na, Wala pong masakit sa akin, naparami lang po ang inom ko kaya ho ako nahulog sa hagdan."
"Ayusin mo Ang mga Desisyon mo Antonello, Paaano kung nabagok ang ulo mo at walang nakakita sayo? E d wala kaming kaalam alam na patay ka na, Bakit ba naman kasi Hindi ka pa Mag asawa, wala ka nang obligasyon sa amin, may mga pamilya na rin ang mga kapatid mo kaya pwede mo na unahin ang sarili mo." Pa ngangaral na naman ni Mama sa akin.
"Ma, Nahulog lang po ako, bat sa pag aasawa na naman tayo napunta hehe." Anya ko a dito ngunit lumanding sa Mukha ko ang unan.
"Sinasabi ko sayo Antonello! Umayos ka. "
"Opo Ma, Di na ako iinom ng marami para di kana maiinis."
"Wala akong problema kung uminom ka, ang sakin lang baka naman gusto mo na lumagay sa tahimik anak, Gwapo ka naman, May Magandang propesyon pero bakit wala ka naman Jowa. Mataas ba amg standard mo? Pero yung Anak ni Mareng Eva maganda din naman pero deadma mo naman., Hindi ka naman siguro bakla anak.?" Anya pa ni Mama.
"Ang totoo po nyan Mama... bakla po talaga ako." Wika ko ngunit lumulipad na unan na naman ang natamasa ko.
"Joke lang Ma, di kana mabiro lalaki ako, wala palang Talaga akong magustuhan Mama." Saad ko.
"Sige, kung yan ang gusto mo, pero may isa akong gagawin, Tutal ayaw mo pa naman mag asawa diba, ikukuha na lamang kita ng Makakasama mo, para hindi kami nag aalala ng Ama at mga kapatid mo.
"Mama, no need di ko Kailangan ng kasama dito, i can handle Mama."
"Hindi! Ako naman ang masusunod kung ipipilit mo na Hwag e maghanap ka na ng ibang Mama. Ikaw lang ang inaalala ko Antonello! Wika ni Mama. Kilala ko sya kapag seryoso na sta ay di na sya nagbibiro.
"Sige Po Ma, kayo ang bahala, pero kung Maaari pwede ding Stay Out nalanf Ma.
"Stay out Ka dyan! E kaya nga ako kukuha ng makakasama mo eh, Para may makasama ka, Sino aalagaan nya sa umaga e gabi ka dumadating, tapos gabi gusto mo sya paalisin? Hay nako anton." Anya pa ni Mama na nag uusok na ang ilong.
"Wala ka na magagawa Antonello, Sa mga Anak ko ikaw ang pinaka mabait, ngunit ikaw din ang pinaka matigas ang ulo."
"Pero Umamin ka Mama, Ako rin ang pinaka mahal mo." Nakangiting wika ko saka niyakap si Mama.
"Oo na ewan ko ba, kahit ikaw ang medyo sutil sa ibang bagay e ikaw parin Ang pinaka.
"Pinaka ano Ma? Pinaka Gwapo?"
"Oo na ikaw na, lamang ng isang paligo kay Angelo." Biro pa nito.
Maya maya pa ay nag paalam na rin ang mga ito ngunit tiniyak ni Mama na makakain ako dahil ipinagluto nya pa ako ng pagkain ko.
"Oh mauuna na kami, mag ingat ka dito. At asahan mo sa mga susunod na araw kapag nakahanap na ako ng makakasama mo ay may babae na na mag aalaga at mag papanatiling maayos nitong bahay mo."
"Haha bakit ma? Maayos at malinjs naman po itong bahay ko ah."
"Alam ko! Ang ibig ko sabihin para umaliwalas naman at hindi palaging madilim." Sagot pa ni Mama.
"Sige po Mama, basta wala lang syang ibang gagalawin sa bahay ko. Alam nyo na po Mama ayaw ko na pinakikialaman ang mga gamit ko."
"Oo na..hwag ka mag alala at ibibilin ko ang mga Do's and Don't.' Anya pa ni Mama.
Samantala
PENNY
Isang araw ay dumalaw ako sa bagong bahay na nilipatan nila Zhel. Sa isang exclusive subdivision din iyon sa Alabang. Bago ka makapasok ay kailangan pa na tinawag sa giard nila bago papasukin or kung d man na emdorse ay kailangan mo ng Id saka tumapat sa Webcam para kunan ng larawan, ganon kahigpit doon. Dahil na endorse naman ako ay pinapasok naman ako ng guard. Meron din namang Tricycle sa labas mg subd na exlusive lamang na bumayahe paloob at palabas at may mga Id rin iyon at naka uniforme ma may logo ng subdivision.
Sinabj ko ang Block at Lot kaya naihatid naman ako sa Tapat, nakita ko naman agad si Zhel na naka abang sa Gate.
"Hi welcome sa Bahay Ni Tita , pinoy ikaw ay pinoy, ipakita sa mundo kung anong kaya mo" wika ni Zhel habang kumakanta at sumasayaw pa.
"Lahh..ano may intermission number pa? Haha." Syempre ganyan ka ka espesyal..tara na sa loob. May bisita rin si Tita kaya ayos lang." Wika nito saka ako inakay sa loob.
Pagpasok namin ay napatingin si Tita Cora at ang bisita nito. Kaya naman bumati ako dito.
"Good morning po Tita Cora." Bati ko dito saka din ako tumango sa bisita kahit di ko naman kilala.
"Magandang umaga Hija, tumuloy ka. Hwag ka mahiya Feel at home." Wika pa nito saka ako nginitian. Si zhel naman ay hinila na ako patungo sa kusina para pakainin.
"Oh kumain ka, pansin ko na pumayat ka, hwag mo pababayaan ang sarili mo"
"Salamat Zhel, may bisita pala si Tita,'
"Oo meron Si Tita Ella, kaibigan ni Tita Cora taga laguna yan sya may dinalaw lang na Tiga dito din pala sa Subdivision na to."
"Ah talaga, di ka same Subdivision nyo."
"Malamang taga dito nga din diba ibang street lang, inaano mo ko eh." Wika ni Zhel habang pinaghahain ako."
"Hahah eto naman GG agad haha, inulit ko lang eh haha."
"Kaya nga, pasalamat ka BFf kita, oh ubusin mo yan ah para naman magkalaman ka ulit. Sexy ka parin naman pero namayat ka BFf kaya dapat balance. Kita mo ako Physicay fit. Maganda, Maalindog saka 250k followers na ako ngayon. At Take Note mga Briton, Aleman at mga Swis na rin ang mga nag Follow sa akin tulad ni Lola Aning Hahaha."
"Ay.. speaking of Lola Aning. Online sya. Videocall natin?"
"Sige..pero mag paalam ka muna baka may ginagawa, so 9am sunday dito sa atin ibig sabihin 6pm lang ng sabado sa kanila ."
"Oo tama 15hrs ahead tayo, wait eto na nag reply si Lola.
"Yes Im Free its time to BIJAKOL my Nigga." Walanjang reply ni Lola Aba. Pang Hiphop Amp hahaa" anya ni Zhel kaya nagtawanan kami.
Dinial ni Zhel ang Video sa Insta maya maya lamang ay Sinagot agad ni Lola.
"Hello WaZzup mga mahal kong Dilag.?"
"Hi Lola Aning, Kumusta po Mis Kana namin wika ko habang maluha luha ng makita si Lola."
"Ayos lang naman ako Dito mga Dilag ko, Akala ko manghihina ako dito, pero Aba..walangya araw araw akong lumalakas kapag nakakakita ng MATITIKAs.
"Aba talaga Lola, abay sana ol nalang kami.
"Uwo..kadami ko ng Tropa dito at ang Iba ay Bata pa. Haha sa tanda kong ito napapaligiran parin ako ng mga Bata at Gwapo hahaha
Sa LETRA ng B.. palaging BINI BABY." anya pa ni Lola maya maya ay may sumingit na Kano sa Video saka humalik sa pisngi ni Lola.
"Hoyy Aba lola Ikalma mo, sino yan ang Pogi." Anya ni Zhel.
"Haha..mga Kaibigan yan dito, wag kayo mag alala at Lola lang din ang tingin ng mga yan sa akin.
"Padalham mo mga kami Lola, kahit wag na pera..Afam nalang."
"Haha..aba naku..seryoso Ga..Aba maabuso lang beelat nyo sa rumaragasang Hakdog ng mga ito talaga namang ang lalaki eh..Bakat na Bakat, sa sobrang Bakat nakakabasa pa ng Beelat hahay"
Anya ni lola kaya tawang tawa kami ni Zhel.
"Kumusta ka na Rhaiza? Masaya ako na kahit papano ay tumatawa ka na ulit.
"Opo Lola bawal n daw po ako malungkot sabi ni Zhel "
"Abay Oo naman..laban lang sa Buhay, Basta mag iingat kayo dyan mga Dilag kong Walang Dilig Magkikita parin tayo." Wika pa nito.
"Oo naman po Lola, Miss ko na po ang Bingo natin."
"Hahaha mis nyo ba? Ako din eh, mas gusto ko Bingo..ayoko na ng SCATTER Natatalo Ako." Anya pa ni Lola.
'hahaha scatter pa lola"
"Aaayaw ko na nga, mag t****k na nga lang ako tapos tamang update sa Insta ganon." Wika pa nito kaya tawang tawa talaga kami.
"Oh sya Lola ingat po kayo Dyan ah.."
"Oo kayo din dyan mga Dilag ko na walang dilig ingat din kayo dyan" pagpapaalam pa nito.
Saka kami natatawa parin ni Zhel dahil Kay Lola.
Palabas na kami ng kusina nang tawagin kami ni Tita Cora.
"Rhaiza, Neng halika buti at narito ka sakto pala, may trabaho ka na ba?"
"Ah wala pa po Tita Cora bakit po?"
"Ah, Kasi itong Kaibigan ko si Ella nangangailangan ng Makakasama sa bahay." Anya ni Tita Cora sabay turo sa babaeng katabi hangang sa magsalita ito.
"Hija ako pala si Ella, Tita Ella nalang, Bale naghahanap kasi ako ng makakasama sa bahay. Na kwento ko kasi dito kay Cora, sakto na narito ka pala, ang sabi ni Cora ay sanay ka daw dahil kapit bahay ka daw nila dati"
"Ah Opo, dati po kasi akong nag aalaga ng matandang Babae kaso umalis na po kasi sila."
"Ah ganon ba? Sige buti na lamang pala at sakto narito ka. Kukunin ko na lamang ang numero mo Ineng, ok lang ba?"
"Sige po, wala pong Problema, pwede ko rin naman pong i send sa inyo ang resume ko kasama ang ibang documento para po makita nyo." Anya ko naman sa Ginang na nasa Tantya ko ay nasa 60 na ito ngunit may itsura parin.
"Sige Hija, kahit resume mo nalang, para lamang may alam ako sa iyo hehe kahit sa ibang requirements at hwag na dahil ramdam ko naman na mabuti kang Bata base na rin sa kwento nila Cora." Nakangiting wika pa ni Mam Ella.
"Sige po mam i message ko na lamang po sa inyo kapag na send nyo na po ang email add nyo." Wika ko pa rito.
Nagpaalam na rin ito agad, kailangan nya rin daw kasi umuwi. Tatawagan nya nalang daw ako para makapag usap pa kami.
Inenjoy naman namin ni Zhel ang bonding namin nung araw na iyon ,kaya sinulit talaga namin. Hapon narin ako lumabas sa subdivision nila. Hindi na ako nagpahatid dahil kaya ko naman lumabas, hangang sa Malapit na ako sa Gate nang makita ko ang isang Pick up na kulay Pula sakto na napatingin ako sa bintana nito na sakto namang pasarado kaya bahagyang nasipat ng mata ko ang mata ng sakay noon. Parang pamilyar, Parang nakita ko na. Hangang sa isipin ko ngunit tila di ko matandaan oh baka guni guni ko lang.
Napailing na lamang ako, nagkamali lang siguro ako. Pero masaya ako dahil may chance na magkawork na ako, nag send na ako ng resume kay Mam Ella kanina.
At nung gabi nga ay nag message si Mam Ella mag usap daw kami bukas dahil tangap na daw ako. At sa isang araw daw ay isasama nya ako sa Anak nya na Sasamahan ko sa Bahay. Sabi nya ay 45 years old na ito at wala dae kasama sa bahay, natagpuan daw kasi nila itong nakahandusay isang araw kaya daw nag aalala sila. Nakaramdam naman ako ng habag sa sinasabi nyang aalagan ko. Kaya naman sinabi ko sa kanya na hwag sya mag alala at aalagaan ko ang anak nya, gaya ng pag aalaga ko kay Lola Aning.