RHAIZA ELIZE Nang gabing iyon at nakatulog na lang yata ako kaiiyak. Hindi ko na rin namalayan ang kanyang pagbalik. Iginayak ko na ang mga baon nya at umakto ako na parang walang nangyari na pagmamakaawa kagabi. Niluha ko na lahat. Ipinaghain ko parin sya ng almusal at ipinaghanda ng kanyang baon. Nang maihanda ko na ay pumasok ulit ako sa kwarto ko para hindi nya ako makita. Narinig ko naman na kumatok sya saka nagpaalam. Sumagot lang ako pero di ako lumabas. "Rhaiza...mauna na ako, usap tayo later" sabi nya pa. Umoo lang ako para umalis sya sa tapat ng pinto, pero ang totoo nyan nag eempake na ako sa mga oras na ito. Konti lang naman ang mga gamit ko kaya konti lang din ang mga aayusin ko. Kanina ay tinext ko na si Mam Ella, na kailangan ko na umalis. Mabuti at may way sya papunta

