D8- Eunice

1036 Words
Naggising si Eunice dahil sa bigat na nararamdaman sa kanyang tiyan.Tila may bakal na nakadagan sa may bahagi na iyon sa kanyang katawan. Papungas pungas pa siyang binuksan ang kanyang mga mata.Ang una niyang nasilayan ang estrangherong kulay ng wallings ng silid. She is not in her room sigurado siya doon.She look down to her tummy kung saan ramdam niya pa rin ang bigat.Napatiim bagang siyang ng mapagtantong mahigpit na nakalingkis ang braso ng isang lalake sa kanyang tiyan. Agad niyang binaling ang paningin sa kabilang bahagi ng kama at nakita ang isang lalake na mahimbing na natutulog habang nakadapa. Nakasuot lamang ito ng boxer shorts kaya't kitang-kita niya ang malapad at makinis nitong likod. Bigla siyang napatakip ng mga mata sa kahubdang nabungaran niya at napatutop sa bibig sa boses ng kabiglaan na dapat na kumawala sa kanyang labi. Pilit niyang inaalala ang kaganapang nangyari sa nakaraang gabi.She can't remember the full details of what happened, basta ang naalala niya ay may pilit na humihila sa kanya at may lalakeng sumagip sa kanya. Maybe because of the alcohol she drinks pero dati naman siyang umiinom bakit ang dali niyang nagpass out kagabi.Dalawang bote pa lang ng alak ang naubos niya ay wala na siya sa sarili. Napahilot na lang siya sa kanyang sentido sa pagkawalang ingat niya sa pag-iinum kagabi.Inalala niya kung may nangyari ba sa kanila ng lalakeng kasama niya ngayon sa higaan. Agad niyang sinipat ang sarili sa ilalim ng comforter.Gumaan naman ang pakiramdam niya ng nakasuot pa rin siya ng jeans at tube top niya. Maliban sa nakapaa na lang siya ay wala namang nagbago at kakaiba sa kanya.Pakiramdam niya ay buo pa rin ang kanyang p********e. Nagpasalamat siya sa lalake sa kanyang tabi at hindi siya nito pinagsamantalahan at nirespeto pa rin ang kanyang kahinaan na siya'y lasing na lasing kagabi. Ngunit hindi pa rin siya makakasigurado sa intensiyon ng lalakeng nasa kanyang tabi.Isa pa rin itong estranghero at hindi agad na pagkatiwalaan. Hindi niya kita ang buo nitong mukha dahil nakasubsob ito sa unan.Bago pa man ito magising kailangan niya ng makaalis sa lugar na ito dahil pakiramdam niya ay hindi na siya ligtas dito. Kung kagabi ay walang nagganap sa kanila ng estrangherong lalake ay baka kung maggising na ito ay baka kung ano pa ang gawin sa kanya. Hindi niya maatim na ang iniingatang pagkakababae ay mawawala lang basta basta at makukuha lang ng lalakeng nasa tabi niya. Nakaiwas nga siya sa pagmamanipula ng ama na makasal sa lalakeng hindi niya gusto ngunit dito ay tiyak niyang paggising nito ay mapagsasamantalahan na siya at hindi niya ito mapipigilan lalo na at nasa teritoryo siya nito. Kaya't maingat niyang kinuha ang braso ng lalakeng mahigpit ang pagkadantay sa kanyang tiyan. Pinagpapawisan siya ng butil-butil kahit malamig naman ang buong paligid.Pigil ang ginhawang natanggal niya ang braso ng lalake. Agad siyang tumayo ng makawala siya.Hinagilap niya ang sapatos at bag niyang dala kagabi.Buti na lang agad niya itong nakita sa gilid ng lamesa. Dahan-dahan siyang humakbang upang hindi makaggawa ng tunog.Sa kabutihang palad ay nakalabas siya ng silid ng lalake ng matiwasay. Hindi niya na nilingon ang kabuuan ng condo unit ng pinagdalhan sa kanya ng lalake.Lakad takbo siyang lumabas ng unit na nakayapak lamang at bitbit ang bag at sapatos. Agad siyang pumara ng taxi at agad na nagpahatid sa kanilang mansiyon.Binuksan niya ang mamahaling bag at kinuha ang kanyang telepono. Mabuti na lang na bukod sa hindi siya pinagsamantalahan ng lalake ay wala din nawalang mahahalagang gamit niya sa bag. Ini-on niya ang telepono at tumambad sa kanya ang mga miss calls ng Yaya Yoyeng niya.Pati na ilang text messages at miss calls ng kaibigan na si Keila. Agad niyang dinial ang numero ni Keila dahil gusto niya itong pagalitan sa pag-iiwan nito sa kanya sa bar.At may palagay siyang may ginawa ito sa inumin niya kung bakit ang dali niyang nalasing. "Oh,hi there friend, kumusta masarap ba?" agad na bungad sa kanya ng kaibigan. "What are you talking about Keila?Why did you left me last night?" panunumbat niya sa kaibigan. "I mean masarap ba sa kama si Mr.Fuck boy?Sorry friend sabi ko naman sa iyo na tutulungan kita sa problema mo o diba ayos?may nakauna na sa iyo so hindi ka na mapipilit pa ni Tito na magpakasal," dinig niya sa litanya ng kaibigan sa kabilang linya. "Ano senet-up mo ako? gaga ka talaga mag-isip, sa tingin mo solve na problema ko, dinagdagan mo lang," inis niyang sabi. "Haler friend, nasarapan ka naman, ano tumirik ba mata mo? if i know ayaw mo lang magkuwento, kung hindi lang kita kaibigan ay hindi ko iyon ibibigay sa iyo," reklamo pa nito. "Loka-loka ka talagang babae ka, aywan ko sa iyo, haist hindi ka talaga matinong mag-isip, mas lalo akong mamomoblema sa iyo," puno ng kawalang ganang sabi niya dahil sa kinasadlakan na sitwasyon. "Friend, kwento ka naman, malakas ba magperform, ano na nakailang rounds kayo?" nawindang siya sa mga katanungan ng kaibigan, kahit pa man gusto niyang magkuwento sa totoong nangyari ay sinarili niya na lang. "Ambot sa imuha Keila, bigatla kaayo ka, sige na bye!" hindi niya na hinintay pa ang kaibigan na makasagot agad niya ng pinatay ang tawag. Imbes na lumuwag ang pakiramdam niya ay mas lalong gumulo ang isipan niya sa pagsasabi ng problema sa kaibigan.And the worst, muntik pa siyang mapahamak. Naguguluhan man kung saan makakahanap ng solusyon sa kanyang kinakaharap na sitwasyon at pilit niyang tinitibayan ang loob. Basta determinado pa rin siyang makawala sa nalalapit niyang pagpapakasal.Tutol ang puso't isipan niyang maging fixed wife lamang. Alam niyang hindi naman nag-alala ang ama niya ngayon dahil ang alam nito ay kasama niya ang kaibigan. May konting ideya ang pumasok sa isipan niya.Ano kaya kung sasabihin niyang may balak silang magbakasyon ng kaibigan.Alam niyang papayagan agad siya ng ama niya. At gagamitin niya ang pagkakataon na iyon upang makalayo sa ama at hindi na maituloy ang kasal. Tama gagamitin niya si Keila upang samahan siya nito at pagkatapos ay iiwan niya rin ang kaibigan upang lumayo na ng tuluyan. Excited na siyang gawin ang naisip.Sa ngayon ay pakikisamahan niya muna ang ama ng mabuti upang hindi ito maghinala sa kanyang balak na paglalayas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD