"That asshole, akala niya maiisahan niya ako," bunghalit niya habang nasa ilalim ng dutsa. Kanina pa siyang nakababad sa shower dahil hindi pa rin humuhupa ang init ng kanyang kaibuturan. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit ganoon ka tindi ang epekto ng haplos ng lalake sa kanyang katawan. Malamig naman sana sa dagat ngunit bigla na lang siyang nilukob ng matinding pagnanasa ng dumapo ang kamay nito sa kanyang katawan. Hindi naman sana matagal lumingkis ang mga kamay nito sa kanyang balat ngunit para siyang siniliban ng apoy. Mabuti na lang at napaglabanan niya ng epekto ng lalake sa kanya, at naitago niya ang pamumula ng kanyang pisngi dahil nasa tubig siya. Hindi naman ganito ang nararamdaman niya sa ibang lalake na nakakasalamuha niya bakit sa bastos pa na lalake

