"Ayieee...," kilig na kilig na hiyaw niya ng tuluyan ng nakalabas ng pinto si Ethan. That handsome guy is killing her softly.Pinapatay nito ang tama niyang wisyo at paninindigan.Hindi naman sana siya ganito sa mga lalake.Ilang kalalakihan na ang nagtangkang makipaglapit sa kanya ngunit agad niya itong natataboy. But this guy makes her melt to the extreme.Munti at simpleng haplos lang nito ay may kakaibang init na dulot na sa kanya.Kahit malamig ang loob ng kanyang cottage ay tila sinisilaban na siya sa init. Ethan knows how to light the fire in her at alam din nito kung papaano pahupain ang init na lumukob sa kanya sa simpleng pagmasahe lang sa kanyang paa na natapilok. Sinisisi niya ang kanyang sarili kung bakit kasi sa dami ng lugar dito sa Isla Del Azul ay mas napili niyang dalhin a

