Ang sabi nila upang makalimutan daw ang problema mo ay magpakalunod sa inuming nakakalasing.
Kahit unang beses pa lang ni Eunice na nakapasok sa The Infinity Bar ay pakiramdam niya ay nakapunta na siya dito somewhere in her life.
She is feeling at home and safe kahit pa napakaingay at napakaraming tao sa loob na nagsasayawan at nag-iinuman.
People inside are having the best times of their lives.Hindi lamang nakakawala ng suliranin ang nakakalasing na inumin pati na rin ang mga paiba ibang kulay ng dancing lights.
Kahit madilim sa loob ay kitang-kita niya pa rin ang iba't ibang nilalang na di umano'y sabik na sabik na humahataw sa dance floor.
Hindi naman bago ang lahat ng ito sa kanya dahil parati naman siyang sumasama sa kaibigan sa mga gimikan nito sa bar ngunit hindi naman siya nagtatagal dahil hindi niya makayanan ang usok at ingay sa loob.
Ngunit kakaiba ang pakiramdam niya ngayon.Tila ba ang loob ng bar ang sagot sa kanyang kalungkutan at pighati sa mga oras na ito.
When she settled herself in the bar at inakay na siya ng kaibigan paupo.She felt a sudden pang in her chest.Tila may mga mata na nakamasid sa kanya at binabantayan ang kanyang mga kilos.
Agad naman niya itong iwinaksi sa isipan.Dala lang siguro ng kanyang problema kung bakit balisa siya at kung ano ano na ang pumapasok sa kanyang isipan.
She relax herself at nagsimula ng tunggain ang bote ng alak na ibinigay ng kaibigan.
"Dahan-dahan lang nice, kararating lang natin baka malasing ka na agad niyan," sabi ng kaibigan.
"Don't mind me girl, gusto ko lang magpakalasing ngayon," sagot niya pa.
"What's your problem girl?I feel something not okay, care to tell me?" usisa pa nito.
"Daddy fixed me for an arranged marriage with his son's best friend,"agad niyang bulalas na parang batang nagsusumbong dahil bigla na lang tumulo ang mga luha nito sa mga mata.
"What?are you sure of that Nice, is that final?baka naman nagkakamali lang si Tito niyan!Paano mo na mahahanap si Mr.Destiny niyan kung nakatakda na ang kasal mo?" sunod sunod nitong tanong sa kanya.
"Iyon na nga Keila, ayaw kong makasal sa taong hindi ko mahal.Love without marriage is a null relationship.And getting married just for the sake of family's wealth and business is somewhat of absurd and against my principles," dagdag pa niya.
"I get your point, gurl, hindi nga madali ang pinagdadaanan mo ngayon, mahirap na salungatin si Tito sa desisyon niya pero gurl may alam akong solusyon sa problema mo, siguradong bukas ay wala ng kasalanang magaganap," maarteng sabi ni Keila na nagniningning pa ang mga mata.
"Ano nga iyon gurl, please sabihin muna, I am so desperate on what to do, nalilito na ako, I decline the scholarship abroad kasi pati iyon tinutulan ni daddy," malungkot niyang sabi.
"Ganun, naku!sayang naman gurl, opportunity muna sana makalayo sa pagmamanipula ng daddy mo and at the same time mapabuti pa iyang designing skills mo, grabe naman si Tito, hindi man lang naawa sa kapakanan mi, I pity you talaga gurl," nakasad face pa nitong sabi kay Eunice.
"Thanks gurl, sa ngayon, gusto ko munang kalimutan ang lahat at magpakasaya," inuwestra ni Eunice ang bote ng alak sa ere.
"Let us drink to that, yahoo!!!!party party!!!" sabi ni Keila at nakipagbottle toss pa kay Eunice.
Tumayo si Eunice at Keila at sinimulan ng sumayaw at umindayog sa saliw ng disco music ng bar.
Kapwa walang pakialam sa kanilang paligid na humahataw sa pag-indayog ng kanilang balakang at sabay na humihiyaw hiyaw pa sa pagkanta.Mukhang lango na agad sa tama ng alak ang dalawa.
"Gurl Eunice, ito na ang sagot sa mga problema mo, just wait here, okay," inuwestra na ni Keila pabalik si Eunice sa kinauupuan.
Napatango na lang si Eunice kay Keila.Dahil napag-isa na naman siya ay pakiramdam niya na pasan niya ang mundo sa suliraning kinakaharap.Bagsak balikat siyang napahagulhol sa kinauupuan.
Hindi nagtagal ay nagtaka na lang siyang may malabakal na kamay na humawak sa kanyang balikat.Napapiksi siya at tiningnan ang mapangahas na tao ang humawak sa kanya.
Isang lalakeng mestisuhin ang nakangisi na sa kanya at sa tingin niya ay manyakis dahil sa mga titig nito na tila hinubaran na siya.
"Hi, Miss Beautiful, let's go," maharot nitong sabi.
"Excuse me, mister, do I know you? I am sorry but I can't go with you," mariin niyang sabi na pilit na inaalis ang kamay nito sa kanyang balikat.
"Oh, I like that, don't be shy, I am all yours tonight, come on," puwersahan nitong hinila ang kamay niya habang hawak pa rin nito siya sa kanyang balikat.
"No...no....no, I won't come with you, you bastard!get off your hands with me," singhal niya sa lalake na hinatak at kinaladkad na siya patayo.
"Take off your hands with my girlfriend," dumadagondong na boses ng lalake nang naulinigan niya sa kanyang may likuran.
"Huwag kang makialam dito, boss, this lady here is mine," nakangisi pang sabi ng lalake nakahawak pa rin sa kay Eunice.
"Ah, you asshole, that lady you happen to say mine is my girlfriend so back off!" rinig niyang sabi ng lalake sa likuran niya.
Nahintakutan naman si Eunice sa dalawang lalake na nagtatagis bagang sa pag-angkin sa kanya.Pilit siyang kumakawala sa lalakeng humatak sa kanya.
Nagtaka na lang siyang madali siyang nahatak ng lalake sa likuran niya at agad na nagtama ang kanilang paningin.
Sa unang pagkakataon ay nakakita siya ng isang demigod na ubod ng kisig.Napatulala sandali si Eunice.Dala ng kalasingan ay napasandal siya sa matipunong dibdib ng lalakeng sumaklolo sa kanya.
Pakiramdam niya'y hinehele siya sa mga bisig ng kanyang saviour na napapapikit na lang siya ng tuluyan.
Naramdaman niya na lang na lumulutaw siya sa ere dahil buhat buhat na siya ng kanyang saviour.
Napakapit siya ng tuluyan sa matipunong dibdib ng lalake habang walang prenong naglakad.Pakiramdam niya'y ligtas na ligtas siya sa mga bisig nito.
Ang kanina'y maingay na paligid ay napalitan ng katahimikan.Gustong gusto niya ng idilat ang mga mata upang makita ang kanyang saviour at mapasalamatan ito.
Wala siyang naramdamang takot o pangamba sa lalakeng akay akay na siya.Natitiyak niyang nasa labas na sila ng bar.
Naramdaman niya na lang na ipinasok siya sa loob ng kotse at rinig niyang nagmura ito.
Kahit gusto niya pang makipag-usap dito ay tinatangay na talaga siya ng antok at kalasingan.
Sa mapupungay niyang mga mata, kanya pang nasumpungan ang lalake na papalapit ang mukha sa kanya.
Handa na siyang ibigay ang kanyang first kiss sa estrangherong nilalang na ito kung kaya't siya pa mismo ang humila ng mukha ng lalake upang kabigin ang labi nito.
Lumapat ang labi nila sa isa't isa.Hindi siya marunong humalik kung kaya't tanging paglapat ng kanyang nguso sa lalake lang ang kanyang naggawa.
"f**k," rinig niya pa ang mura nito bago siya tuluyang tangayin ng karimlan.