"You don't care," matapang na sabi ko sa kanya pero ngumisi lang siya saka umiling. Akmang iiwan ko siya pero kaagad niya akong hinawakan sa kaliwang palapulsuhan. Mabilis kong winaslik ang kamay ko para maalis ang pagkakahawak niya pero mas humigpit lang iyon. "Ano ba?!" malakas na sigaw ko kaya napatingin sa amin ang ilang estudyante na dumadaan. My eyes widened as my heart beats crazier. At gusto kong magsisigaw nang hilahin niya ako patungo sa gate ng school. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante pati na rin ng ibang teachers kaya kaagad akong napayuko at napilitang magpadala sa paghila niya. I want to shout at him. "Get off me. Wala kang pakialam sa akin, Mr. Montero," mariin na sambit ko habang patuloy niya akong hinihila kaya agaran siyang huminto saka binalingan ako. His

