"What?" gulat na sabi ko habang nakatinghala sa kanya pero binigyan niya lang ako ng masamang tingin. Sinubukan kong tumayo para kahit paano ay maharap ko siya kaso naitapak ko ang sugatan kong paa kaya napangiwi ako at biglaang napaupo ulit. "Ahh," mahinang daing ko habang tinitingnan ang sugat na naka-bandage na. Ilang sandali pa ay nakita ko siyang dahan-dahan na lumuhod sa paanan ko. His brows were furrowed. Na para bang napipilitan siyang gawin iyon. Sinubukan kong iiwas ang paa ko pero mabilis niya iyong nahuli. And my lips opened when he gently touched my wounded foot. Natahimik ako habang tinatanaw siyang gawin iyon. Parang biglang nawala lahat ng hapdi at sakit. I am not dreaming right now, right? Luke is in front of me. Parang abot kamay ko siya ngayon. Hindi ko napigila

