Halo-halo pa rin ang emosyong nararamdaman ko hanggang sa makarating kami sa school.my heart is beating so fast and my whole body is shaking. Hindi ko na nararamdaman ang init na dala ng kapeng natapon sa akin pero amoy na amoy ko ang matapang na pabango. At iyon ang nagbibigay sa akin ng halo-halong emosyon na parang magpapabaliw sa akin. Kanina ko pa gustong itapon ang coat na suot-suot ko ngayon habang umaandar ang tricycle pero hindi ko rin magawa. I don't know. Amoy kape ako at malaki ang mantsa nito sa uniform na suot ko at natatakpan ng coat na sinuot niya sa akin kanina. But I badly want to get rid of this! Nakakainis dahil nanginginig lang ang kamay ko kapag sinusubukan kong hubarin! "Salamat po," mabilis na sabi ko sa driver sabay abot ng pamasahe. Mabilis ko ring sinabihan an

