My heart is beating so fast in a hurtful way. Nakatitig lang ako sa pintong nakabukas. Gusto kong tumayo saka sundan si Luke pero nanghihina ako. Sa parteng ito, ako na ba ang nagkamali? Dahan-dahan ako huminga ng malalim saka nagpunas ng pisnging basang-basa dahil sa mga luha. Tumigil na rin ang pagtulo ng mga luha ko pero hindi nawala ang bigat sa dibdib ko. 'It's just you." Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang mga katagang iyon kaya napapikit na ako ng mariin. I could feel my head spinning. Parang nasusuka ako na hindi ko alam. Ang sakit ng dibdib ko at ng ulo ko. Bigla akong napaupo ng maayos sa kama kalaunan nang makita ko na muling pumasok si Luke. Seryoso lang siya at hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Napalunok ako ng dahan-dahan niyang sinara ang pinto ng kwarto at

