Third Person P.O.V. Malawak akong nakangiti habang hawak-hawak ang Cellphone dahil sa message ni Carter. Magta-type na sana ako para replyan siya na maayos ang pakiramdaman ko nang pumasok si Gwyneth kaya bigla kong naitapon ang Cellphone sa kanyang harapan. Kinabahan ako dahil baka mabasa niya kung sino ang ka-text ko kaya agad akong tumayo para kunin ang Phone sa sahig. "Are you okay? ", may pagtatakang tanong ni Gwyn sa akin nang makatayo ako. "Oo naman. Nagulat lang ako sa pag pasok mo", nababalisa kong sabi dahil kinakabahan ako. Niloloko ko ba ang kaibigan at Nobyo ko dahil sa excitement at saya na naramdaman ko dahil sa text ni Carter?. Ewan, pero gusto ko kahit bawal. "Labas tayo? ", nakangiting tanong ni Gwyn kaya napakurap ako. "Ngayong umaga lang kasi ang Free time ko",

