Chapter 7

1516 Words
Zinnia's P.O.V. "Nagkaka-edad na ako at gusto ko ng magka-Apo", wika ni Chairman Ronaldo. "Hind pa naman po kami Kasal sa isat-isa, Daddy. Bakit biglaan naman po ang inyong hinihiling sa amin? ", wika ni Elijah. "Kung ganoon ay magpakasal na kayo o pwede naman na gumawa na kayo ng Baby ngayon habang hindi pa kasal. Malinaw ba yon, Elijah and Carter? " "Very Clear, Dad. Wag po kayong mag-alala dahil gusto ko na ding magka Baby with Gwyn, but I have to ask her first kung gusto niya na din", seryosong sabi ni Carter kaya bigla akong nabalisa ng mga sandaling iyon. "Gustong-gusto ko na, Babe kaya lang mas gusto kong magkaroon ng Baby kapag kasal na tayo", wika naman ni Gwyn kaya mas lalong binalot ng kakaibang emotion ang aking pagkatao. "Kung ganoon ay magpakasal na kayo sa lalong madaling panahon Carter at Gwyn", pahayag ng Daddy nila. "Maari po ba naming malaman kung ano pa ang inyong rason para humingi ng Apo sa amin ? ", garalgal kong tanong kay Tito Ronaldo. "I like your question,Iha. Kung sino ang unang makapag-bigay ng Apo sa amin ay mas malaki ang manang kanyang matatanggap mula sa akin dahil kung hindi nyo ako mabibigyan ng Apo ay ibibigay ko sa mga Charities ang mga mana na dapat ay para sainyo", pahayag ni Tito Ronaldo na matigas na kinontra ng aking Nobyo. "I am a Lawyer, Daddy baka nakakalimutan nyo po. That is possible, but it is very challenging to do. We have the right to fight against your will; we are your compulsory heirs, Dad" , kunot noong pahayag ni Elijah sa kanyang Daddy. Wala pang natalong kaso si Elijah sa Korte dahil napa-kagaling ng aking Nobyo pagdating sa mga batas. Natitiyak kong totoo nga ang sinasabi niya na mahihirapan ang kanyang Ama sa kagustohan na ilagay ang ganoon sa last will and testament dahil maaaring labag sa ibang batas dito sa Pilipinas. Kaya lang may magagaling na Abogado si Chairman Ronaldo kaya baga magawan ng paraan ang Legal Agreement na gusto niyang gawin para magka-Apo agad bago tumuntong ng sixty years old ang Chairman. "Possible, but very challenging. You are right anak, pero yon pa rin ang aking nais. Kung hindi man ako manalo sa Korte ay atleast sa kadahilanan na gusto ko ng magka-Apo dahil nagkaka edad na ako at maraming sakit. Sana ay mapagbigyan nyo ako sa aking kagustohan bago ko lisanin ang mundong ito", Desidido talaga si Tito Ronaldo na mabigyan na siya ng Apo. "Wag kang mag-alala, Daddy dahil ibibigay po namin ni Gwyn ang nais nyo", pagsingit ni Carter sa usapan. Ibibigay mo talaga agad dahil ang hilig-hilig mong bumayo sa aking kaibigan. Araw-araw ba naman kayong nagsi-sek" -naiinis kong wika sa isip "Ibibigay din namin ang nais nyo, Daddy. Di ba, Love? ", nakangiting sabi ni Elijah kaya biglang namula ang aking mga teynga dahil hindi pa ako ready for Motherhood. Isa pa, malilintikan ako kay Daddy kapag nabuntis ako out of Marriaged. Ibig bang sabihin ay mapipilitan akong magpakasal kay Elijah para sa magiging Baby namin. "OO naman po. We will do that for you, Tito Ronaldo", nababalisa kong wika sa kanila. "I think , need nyo na ding magpakasal ni Elijah", wika ni Gwyn sa akin dahil alam niyang hindi papayag ang aking Daddy na magkaroon ng anak lalo na kung hindi pa kami kasal ni Elijah. "She is right po, Tito Ronaldo. Ang Daddy ko po kasi ay tiyak na hindi papayag kapag nabuntis ako ng hindi pa kasal" "We will talk to your Daddy and Mommy, Iha. Mahal na mahal nyo naman ang isa't-isa ni Elijah at payag ka naman na maikasal sa kanya di ba? ", tanong ni Tita Nelia. "Opo. Mahal na mahal ko po ang anak nyo at buong puso po akong magpapakasal sa kanya. I just need time po since nabibigla po ako sa hiling ni Tito Ronaldo na Apo", wika ko sabay hawak ng mas mahigpit kay Elijah. "We understand, Iha. Kailangan nyo munang mag usap ni Elijah about this kasi hindi naman talaga biro ang pagkakaroon ng anak", dagdag pa ng kanilang Mommy. "Ang nais ko lang na hiling sainyo ay bigyan nyo ako ng Apo bago tumuntong ng sixty ang aking edad. May karamdaman na rin ako kaya nais kong makapiling ang magigi kong Apo bago mamatay", wika ni Chairman Ronaldo na umubo pa pagkatapos ng kanyang sinabi. Mukha ngang may sakit na si Tito Ronaldo, naku mawawasak ng tuloyan ang Kepay ko neto kay Elijah dahil baka araw-arawin na ako. "Kami na po ang bahala, Daddy. We will give you a grandchild as soon as possible", wika ni Carter kaya napatingin ako sa kanya habang si Gwyn ay nakapulupot sa isa niyang braso. Mukhang mapapalaban na naman ang dalawang ito mamaya. Babayo na naman si Carter sa ibabaw ng aking kaibigan lalo na ngayong na gusto ng magka-Apo ng kanilang mga magulang. "You have always been my good son, Carter dahil kahit kailan ay hindi mo ako binigo. ", pahayag ni Chairman Ronaldo na alam kong masakit sa part ng aking Nobyo. "Ilang taon na ba ang Daddy mo, Love? ", pabulong kong tanong kay Elijah. "Fifty-nine, and next year he will be turning sixty", sagot ng aking Nobyo kaya bigla akong napangiwi. Ibig sabihin ay dapat mabuntis na ako at o si Gwyn this year para mabigyan sila ng mga Apo. Pagkatapos ng aming Dinner ay pumunta kami ni Elijah sa may Hardin para mag-usap pero biglang dumating si Gwyn. "Can I talk to Zin muna? ", wika nya kay Elijah. "Sure.Balik lang ako agad, Love", paalam niya sa akin sabay halik sa aking pisngi. Nang makaalis na si Elijah ay bumakas sa mukha ni Gwyn ang pag-aalala. "Are you okay? "I am not okay, Zin. May sakit ako kaya impossible na mabigyan ko ng anak si Carter ngayon", naiiyak niyang sabi sa akin. "Anong sakit? ", nabibigla kong tanong dahil wala naman siyang sinabi sa akin na may sakit siya. "I have PCOS,", malungkot niyang pagkakasabi sa akin "PCOS? You look healthy naman, Bestfriend. Nagpa check up kana ba? " "Yeah.Irregular ang means ko kaya nagpa check up ako this week and I found out na mayroon akong Polycystic Ovary Syndrome (PCOS)" Hindi ko alam ang sasabihin ko kahit kanina pa nakabuka ang bunganga ko to Comfort her. "Ano ang gagawin ko, Zin? Sasabihin ko ba kay Carter na hindi ko siya mabibigyan ng anak? ", natataranta niyang tanong sa akin. "Don't panic, Gwyn. Sa panahon ngayon ay madaling gamotin ang PCOS. You just need medical attention from an expert, along with a proper diet and exercise. Isa pa, may paraan naman para magkaroon kayo ng anak ni Carter kahit may PCOS ka. Are you familiar with vitro fertilization (IVF)? Pwede nyong gawin yon para makadevelop ng embryo outside of your body and tranfer it to your uterus. Magtatanong tayo sa Doctor kung ano ang dapat gawin para mangyari yon successfully. Okay? Relax lang", pagpapagaan ko sa kanya ng loob dahil kitang-kita ko ang kawalan ng pag-asa sa mukha ng aking kaibigan. "Thank you, Zin. Sa mga sinabi mo ay nagkaroon ako ng pag-asa na mabigyan ng anak si Carter", "Sasabihin ko ba kay Carter na may PCOS ako? ", dagdag niyang tanong sa akin. "Oo. Sabihin mo sa kanya para transparent kayo sa isat-isa at matulongan ka niya sa pagpapagamot" Ngumiti siya sa akin. "Tama ka, Zin. Dapat ay alam ni Carter ang Condition ko. Napapansin niya nga na tumataba na ako ngayon" Ngayon ko lang napagtanto na medyo tumaba nga si Gwyn. "Babalik lang sa dati ang katawan mo, Bestfriend. Proper exercise and healthy foods ang kailangan mo ngayon para mas mapadali ang iyong pag galing" "Ikaw, bibigyan mo na ba ng anak si Elijah? " "Hindi ko alam dahil tiyak kong hindi papayag si Daddy na Baby muna bago ang kasal", namomoblema kong sagot. "Kailangan na nating maikasal sa kanila, Zin. Sasabihin ko kay Carter ang aking Kondisyon, and after that magpapakasal na kami", nakangiti niyang sabi sa akin kaya parang may tumusok na karayom sa aking puso. "Magpakasal na tayo sa mga Nobyo natin", dagdag pa ni Gwyn. "Kakausapin ko na muna si Daddy at Mommy" "May pakiusap sana ako sayo, Bestfriend", "Ano yon? , tanong ko. "Kapag hindi ko nabigyan ng anak si Carter ay pwede ba na ikaw na lang ang magbigay ng Apo kina Chairman? ", pakiusap niya sa akin habang nakahawk sa dalawa kong kamay. "What do you mean? " "You and Elijah. Pwde naman na mauna na kayong magpakasal para magkaroon na agad ng anak habang nagpapagaling pa ako. Pwde ba, Bestfriend? ", Wala akong nagawa kundi ang tumango dahil kitang-kita ko sa mukha ng aking kaibigan ang takot na baka hindi nila matupad ni Carter ang hiling ni Chairman. "Don't worry. Bibigyan ko sila ng Apo with Elijah" Niyakap ako ni Gwyn bilang pasasalamat pero ng mga oras na iyon ay gulong-gulo ang utak ko. 25 years old pa lang ako at hindi pa ako ready na magkaroon ng anak with Elijah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD