Zinnia's P.O.V. Pagdating namin ng Hospital ay kasalukuyan pang nasa loob ng operating room si Gwyn. "What happened to her? Kumusta ang kondisyon niya? ", nag-aalalang tanong ni Carter sa Nurse. Pinaliwanag ng Nurse na Car accident ang dahilan kung bakit sinugod ng Operating Room si Gwyn. Ang ibig sabihin ay tumakas si Gwyn sa kasal nila ni Carter sakay ng kotse ngunit sa kasamaang palad ay nabangga siya sa isang concrete barrier. Critical daw ang kondisyon ng aking kaibigan dahil sa ulo siya kasalukuyang inooperahan. Bakas na bakas sa mukha namin ni Carter ang pag-aalala para kay Gwyn. "Nakasuot pa po siya ng Wedding gown noong sinugod dito sa Hospital", pahayag ng Nurse. "Ilang oras pa ba ang itatagal ng operasyon? Gawin nyo ang lahat para maligtas ang Fiance ko!", emosyonal na pah

