NINE

697 Words
Laura PAGKAGISING ko bago ako bumangon ay pinakiramdaman ko ang aking sarili kung may masakit ba. Salamat naman at wala. Ngunit napaisip ako kung bakit pakiramdam ko parang may mabigat na bagay nakapatong sa aking t'yan habang natutulog. Umiling nalang ako at nagdasal muna bago tumungo sa banyo para maligo. Nang matapos ay hindi ko kailangan pumunta sa closet dahil naghanda ako nang susuotin ko. Pinagpasalamat ko hindi revealing clothes ang binili niya sa akin dahil hindi naman ako mahilig magsuot ng ganung damit. Puro dress yung mga binili niya. Ayos sa akin iyon dahil mahilig akong magsuot ng mahahaba. Pagkatapos kong makapag ayos ay bumababa na ako, naabutan ko siyang uminom ng alak sa mismong bote. Nakayuko ito kaya hindi ako napansin na bumaba. Dumiretso ako patungo sa kanya. Inagaw ko ang alak na ininom nito at ipinatong sa lamesa. Inangat nito ang ulo, malamlam ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Alam ko na dapat ko siya pinapakielaman pero hindi ko mapigilan. “Bakit ka umino-?” naputol ang sasabihin ko nang tumayo ito sa kinauupuan kaya tumama ang aking mukha sa dibdib nito. Napaatras ako nang bumaba ang ulo nito pero mabilis nitong hinapit ang aking beywang at mas tinulak palapit sa kanya. Yumakap ang mga braso nito sa aking beywang. Sa tuwing sinusubukan kong tanggalin ang braso nito ay mas humigpit pero hindi naman yung tipong mahihirapan akong huminga. “Please stay” mahina pero may pakiusap nitong sabi. Napabuntong hininga nalamang ako at hinayaan siya. “May problema ba?” tanong ko. Alam kong masama siyang tao pero hindi ko mapigilang h'wag magtanong. Umiling ito, siguro nahihirapan siyang magsabi ng problema sa iba kaya dinadaan niya sa pag inom ng alak. Nahinto ako sa pag iisip ng marinig ko ang munting hikbi galing sa kanya. Naramdaman ko ang pagkabasa ng balikat ko. Inaatras ko konti ang aking leeg para makita ang mukha niyang may maskara. Nagsumiksik lamang ito sa leeg ko nang parang bata. Hindi na ako kumontra bagkos ay niyakap ko nalang siya pabalik. Mahina kong tinatapik ang balikat nito. Kumalas ito sa pagkakayap saka umalis na parang walang nangyari. Weird. HABANG kumakain ay iniisip ko sila nanay, kung kumusta na sila. Lagi kong dinadarasal na sana'y na nasa maayos silang kalagayan. Nang matapos akong kumain ay hinugasan ko muna ito atsaka nagdesisyon na manood ng telebisyon. Gusto kong malaman kung hinahanap ba ako nila nanay. Puro laman ng balita ay tungkol sa kinakaharap na problema at krimen na nangyayari sa bansa. Syempre tungkol din sa kriminal na kasama ko dito sa bahay. Alam ko masamang manghusga pero hindi ko mapigilan lalo't mga inosenteng tao yung pinatay niya. Kahit ganun siya pinayuhan ko siya na sumuko sa mga pulis as I expected ay hindi naman ito makikinig. Napabuntong hininga ako bago patayin ang telebisyon. Miss ko na sila nanay. Ang bilis ng oras, parang kanina umaga lang. Ngayon palubog na ang araw, halos wala akong ginawa kundi tumingin sa labas, matulog at kumain. Wala naman akong malilinis dito sa bahay dahil wala namang dumi. “What are you doing here?” may nagsalita sa aking likuran at alam ko na kung sino kaya hindi ko na kailangan pang lumingon. “Nagpapahangin lang” tugon at nanatiling nakatingin sa araw na papalubog. Malakas ang hangin kaya mas nakakaenjoy panoorin ang sunset. Buti nalang may balcony sa kwartong tinutulugan ko. Narinig ko ang mga yapak niya patungo sa pwesto ko. Tumabi ito sa akin pero may konting distansya sa aming dalawa. Pareho kaming walang imik, Ni-isa walang gustong magsalita sa amin. “Kumusta ang pakiramdam mo?” tanong ko rito at nanatiling nakatingin parin sa araw. Kanina ay nawala ito bigla pagkatapos niyang umiyak. “Mamaya iuuwi na kita sa inyo” mukhang iniwasan nito ang tanong ko. Kumunot ang noo ko sa sinabi nito “Pwede mo bang ulitin yung sinabi mo?” “Iuuwi na kita” napalingon ako dito dahil sa gulat. May saya na may halong pagkadismaya. Hindi ko alam bakit ko yun naramdaman. “I'm sorry laura for everything I have done to you” tumingin ito sa akin at may tipid na ngiti sa kanyang mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD