Laura
DALAWANG taon na ang nakakalipas no'ng nangyari ang engkwentro sa pagitan ni night at mga pulis na nagsanhi ng pagkamatay nito.
Sa dalawang taon na yun ay maraming nangyari at maraming nagbago.
“Ma'am eto na po yung gawa ko” nabalik ako sa realidad ng magsalita ang isa sa mga estudyante ko.
Tipid ko itong nginitian at tinanggap ko yung inaabot nitong test paper. Naging mabilis lang pagsasagot ng aking mga estudyante kaya maaga ang naging uwian nila pati narin kaming mga guro.
Dumiretso ako sa kumbento dahil gusto ko pa ring turuan ang mga bata doon kahit hindi ako tumuloy sa pag mamadre. Satingin ko kasi mas rarami ang kasalanan ko sa may kapal kung patuloy akong magsisinungaling sa sarili ko kaya mas magandang maging totoo nalamang ako sa aking sarili at piliin ang bagay na magpapasaya sa akin. Kaya pinili kong umalis sa kumbento at magturo sa isang pangpublikong paaralan.
Pagkapasok sa kumbento ay sinalubong ako nang mga bata, kasama nito si sister Julie. Lumipat ang aking mga mata sa kasunod nito. Mother superior at si mister Castro.
Nag uusap ang dalawa sa likod ni sister Julie pati ng mga bata. Dumako ang tingin sa akin ni mother superior.
“Laura iha”
“Mother superior” lumapit ako dito at nagmano.
“Napadalaw ka iha” nagtataka nitong sabi
“Ngayong araw ko po kasi tuturuan ang mga bata” tugon ko at lumipat ang tingin kay mister Castro. Makatingin ito sa kanya parang tinitignan pati ang kaluluwa niya. Lalo na ang abo nitong mga mata parang may kakaiba. Umiwas nalamang ako ng tingin at nagpaalam kay mother superior para simulan ko na ang pagtuturo.
NANG matapos ay nagpaalam na ako kila mother superior. Hindi muna ako dumiretso sa bahay at tumungo sa isang Parke malapit dito sa kumbento.
Pinikit ko ang aking mga mata habang dinadama ang sariwang hangin.
“What are you doing here sister?” dahan dahan kong minulat ang aking mga mata.
“Mr Castro” nakaupo ito sa tabi ko pero may space parin.
“Nagpapahangin lang” sagot ko sa tanong nito.
Tumango ito at humithit sa kanyang sigarilyo.
“Ikaw anong ginagawa mo dito?”
“Nagpapahangin lang din” tumango tango ako bago lumipat ang aking tingin sa mga tattoo nito sa braso pati sa leeg. Ngayon ko lang napansin na nagpatattoo pala si Mr Castro.
“Do you like my tattoos?” patingin ako dito ng magsalita ito.
“Hindi” diretsa kong sagot.
May dumaang emosyon akong nakita sa mga mata.
“Panget ba?” umiling ako.
“Hindi, pero ayoko sa mga tattoo mo” hindi ito sumagot.
“H'wag mo na akong tawaging sister” lumingon ito sa akin.
“Bakit?” tanong nito at tinapakan ang sigarilyo.
“Umalis na ako sa kumbento” tugon ko at tumingin sa kalangitan.
Ilang minutong katahimikan ang namayani sa aming dalawa.
“Do you think hindi kita makilala Night?” tanong ko at nanatiling nakatingin sa kalangitan.
“What did you said?” tumingin ako sa mga mata nito na may bakas ng gulat.
“Do you think hindi kita makikilala”
“Laura”
“BORED NA BORED na ako dito, makapaglibot nga.
Mukhang malilibang ako dahil malawak naman ang bahay na 'to. May nakita akong mga susi sa isang aparador baka ito yung susi sa mga kwarto.
Nagsimula muna ako sa baba. Tinignan ko ang bawat kwarto. Lahat yun ay walang kalaman laman.
Sumunod sa Second floor ganun din sa first floor halos lahat ng kwarto walang laman except sa kwartong tinutulugan ko.
Sa third floor, hindi ko expect na ganto kalawak ito kasi ang unang beses kong umakyat dito lalo't ayoko dahil nandito natutulog yung lalaking yun.
Alam ko kung bakit niya ako iniiwan dito sa malaki niyang bahay mag isa dahil alam niyang may mga malalaking aso na lalapa sa akin at pwede akong maligaw sa malawak na gubat.
Sinimulan ko sa dulong kwarto sa kanan, puro box ang laman. Ganun din sa dalawang kwarto.
Kaya tumungo naman pakaliwa. Binuksan ko ang nasa unahang kwarto at ang bumungad sa akin ay mga book shelves. Pumasok ako sa loob at nilibot ang aking tingin sa bawat parte ng kwarto. Huminto ang aking tingin sa working table.
Nilapitan ko ito at kinuha ang isang frame na nakatalikod. Isang pamilya ang nasa picture pero napako ang aking mga mata sa binatang nasa picture at namumukha ko ito parang may kahawig. Lalo na ang abo nitong mga mata.
Binalik yung picture sa dati nitong pwesto at lumabas na ng kwarto. Pumasok naman ako sa kasunod nitong kwarto at kadiliman ang sumalubong sa akin kaya hinahanap ko ang light switch.
Nang mahanap ko ay ganun nalamang ang kilabot ko ng makita ko kung ano yung nasa loob. Mga larawan ko simula bata ako hanggang ngayon.
Napasinghap ako ng makita ang buong kwarto, bawat sulok ay may larawan ko.
Mabilis kong pinatay ang ilaw at lumabas na ng kwarto hindi ko makayanan na manatili pa sa loob.
Huminga muna ako nang malalim bago pumunta sa susunod na kwarto.
Sinusubukan kong buksan ang pang huling kwarto gamit ang mga susing hawak ko ngunit walang sumasakto. Ibig sabihin nun ay iba ang susi nito.
Wala akong magagawa kung hindi bumababa at ibalik ang susi kung saan ito nakalagay.
Umupo ako sa may sala at pumasok sa isip ko si
Mr Castro, may hawig si mr castro sa binatang nasa picture.
Kung si Mr Castro yung lalaki iyon bakit siya pumapatay at ang ibigsabihin ng pagtulong niya ay isang pakitang tao.”
“Sa totoo lang bitag lang yun para malaman kung tama yung hinala ko at mukhang tama nga base sa reaksyon mo” sabi ko at kinuha ang aking bag bago tumayo.
“Laura” tawag nito sa akin ngunit hindi ko ito pinansin ay dumiretso palakad sa may sakayan.