Kabanata 108 NAGULAT AKO DAHIL ANG DILIM ng mukha ni tiyo Isidro. Ano kaya ang problema niya at parang mainit ang ulo niya. Lumapit ako sa kanya saka akmang hahawakan ko ang mukha niya ay umiwas si tiyo Isidro. " Sino 'yun? Bakit ka niya hinawakan?" Tanong nito habang nagtatagis ang bagang niya habang salubong ang kilay niya. " Classmate ko. May tinanong lang siya sakin." Kinakabahan na sagot ko sa kanya dahil ang dilim ng mukha niya. Shit! nakita niya. " Bakit kailangan hawakan niya ang kamay mo? Niloloko mo ba ako?" Masama ang mukha na tanong niya sakin. Subrang sama ng mukha niya habang nakatitig sakin. Natakot na ako sa itsura niya dahil madilim na iyon. " Hindi! Ano bang pinagsasabi mo?" Naguguluhan na tanong ko sa kanya saka pilit na hinawakan ang mukha niya pero ayaw niya at u

