Kabanata 82 NAGPAALAM NA AKO SA MGA KAIBIGAN ko dahil nandiyan na si tiyo Isidro sa labas. " Hala! Excited yarn?" Panunudyo sakin ni Madona. " Oo nga, palagi nagmamadali." Segunda naman ni Kiara. " Ano ba kayo, hayaan niyo na. Nagdadalaga na si Mila." Sabat naman ni Madison habang nakangisi. Natawa naman ako sa reaction nila. Palagi na lang nila ako inaasar kay tiyo Isidro. Parang hindi parin sila makapaniwala na may boyfriend na ako. " Huy! Mag-ingat ka huh? Mamaya mahuli kayo ng tiyahin mo. Nako, yare ka." Paalala naman ni Madona sakin. " Wala naman si tiya Veronica ngayun." Sabi ko sa kanila. " Oh? Asan naman ang maldita mong tiyahin?" Si Madison habang nakataas kilay. Gigil Talaga siya sa tiyahin ko. " Sa america." Sagot ko sa kanya kaya napa O ang mga labi nila na tila nagulat

