Kabanata 85 NAPANGITI AKO NG MAKITA KO sa labas ng gate si tiyo Isidro at sinusundo na ako. Kaya lang nawala ang pagkakangiti ko sa labi ng may mga babaeng lumalapit kay tiyo Isidro at nakikipaglandian. Todo ngiti naman ang animal habang nakikipag-usap sa mga babae. Sa labis na selos na aking nadarama ay hindi ako lumapit sa kanya at sa halip ay nag-iba ako ng way habang hawak sa kamay si Kiara. Pagdating sa labas ng campus ay nagpaalam na agad ako kay Kiara para makauwe na. Hinayaan kona si tiyo Isidro doon at bahala siya sa buhay niya. May girlfriend na tapos nakikipaglandian pa sa iba hmp. " Uy! hindi mo ba tatawagin ang tiyo Isidro mo?" Tanong sakin ni Kiara ng makalabas na kami ng campus. " Hayaan mo siya." Masama ang mukha na sabi ko sa kanya. " Nagseselos ka?" Tanong naman niy

