Kabanata 88 NASA CANTEEN KAMI AT KUMAKAIN. Doon nagyaya ang mga bruha kung mga kaibigan. Wala na kasi ang crush ni Madona at may girlfriend na kaya hindi na niya crush. Naloka kami kasi iniyakan ni bakla 'yun. Hindi sila pero iniyakan niya. Natawa na lang kami, pero dinamayan namin siya. Akala mo talaga broken hearted ang lola niyo. " Uy! anong gagawin niyo sa weeksend?" Si Madona habang kumakain. " Sama ka samin, Mila. Punta tayo sa bar." Aya sakin ni Madison. " Hindi ako pwede." Kaagad kung sagot dahil uuwe ako ng probinsya kasi birthday ni Miya. Sa zambales lang naman ang probinsya ko kaya pwede ako umuwe at bumalik agad. " Gara naman nito." Ani Madison. " Sumama kana, sis. Wala naman ang tiyahin mo para naman maka-bonding ka namin." Pamimilit naman ni Madona. Sila lang dalawa a

