Kabanata 121 KINABUKASAN AY NAGISING AKO sa mga katok mula sa pintuan kaya nagmulat ako ng mga mata at sumigaw. " Sandali." " Pwede pumasok?" Tanong sakin ni Madison kaya muli akong sumigaw. " Oo." Hindi naman nakalock ang pintuan kaya madali lang siya makakapasok sa loob. Kaagad naman bumukas ang pintuan at pumasok sa loob si Madison. Hindi ko alam kung anong oras na pero maliwanag nasa labas ng bahay. " Kain na sis." Nakangiti niyang alok ng makalapit sakin. Bumangon naman ako sa kama saka naupo at ngumiti dito. " Salamat sis." Ani ko sa kanya. " Kamusta kana? Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong niya sakin kasabay ng pag-upo niya sa kama at tumingin sakin ng matiim. Tipid naman akong ngumiti sa kanya. " Ito, masakit parin ang puso ko." " Nako, wag muna isipin ang lalaking 'yun

