Kabanata 104 PATUNGO NA KAMI SA KUSINA NI MADAM habang nag-uusap kami. Medyo naiilang pa ako sa kanya kasi ngayun ko lang siya nakita at nakausap. " Ikaw pala ang girlfriend ni Isidro. Ang bata mo pala. Akala ko ay kasing edad niya rin ang girlfriend niya." Wika ni madam sakin. Pero wala namang panglalait sa tono niya. Halatang nagulat na may girlfriend na bata si tiyo Isidro. " Hindi niyo po ba alam na may girlfriend po siya na bata?" Nahihiya kung tanong sa kanya ng makapasok na kami sa kusina. " Nabanggit na sakin ni Ramon dati, pero hindi ako naniniwala kasi puro kalokohan ang magkakaibigan na 'yan kaya nagulat ako ng makita kita." Sabi ni madam sakin pero hindi ako umimik at kumuha na lang ng pagkain sa mesa. " Ilan taon kana ba?" " 21 po, maam." " Hmmmm.. kaedaran mo ang panga

