Kabanata 93 MATAPOS NAMIN KUMAIN AY tinulungan kung magligpit si Miya habang nasa taas na si nanay para maglatag sa taas. Samantalang si tatay ay lumabas muna sa labasan. Ang baby damulag ko naman ay nasa may sala's namin at nakatingin samin. " Grabe ate ang gwapo ni kuya Sid. Ang swerte mo talaga. Paano mo siya nakilala?" Narinig kung tanong ni Miya habang naghuhugas kami ng pinggan. Natigilan naman ako dahil 'di ko pa sinasabi sa kanila kung paano kami nagka-kilala ni tiyo Isidro. Hindi namin iyon napag-usapan kaya hindi ko alam kung paano ko sa sabihin sa kanila. " Ahmm." Napalingon pa ako kay tiyo Isidro at ngumiti dito. Ngumiti 'din siya sakin pabalik. " Kapitbahay nila tiya Veronica." Kapagkuwan ay sagot ko. Wala ako maisip kaya iyon na lang nasabi ko. " Kaya pala mukhang mayama

