NAGDESISYON si Marra na pumunta sa Amerika para dalawin ang mga magulang. Tinawagan niya ang kanyang travel agent at habang naghihintay na ikuha siya nito ng flight ay nagsimula na siyang mag-empake ng ilang damit na babaunin. Bago pa niya matapos ang ginagawa ay naramdaman niya ang pamimigat ng katawan. Iniwan niya ang ginagawa at nahiga. Mabilis siyang nakatulog. Nagising siya sa walang-humpay na pagtunog ng door chime. Nang magtangka siyang bumangon ay saglit siyang natigilan. Mabigat na mabigat pa rin ang kanyang pakiramdam. Nang sapuhin niya ang kanyang noo ay nadiskubre niyang mainit iyon. Painut-inot siyang tumayo. Gumabay siya sa dingding hanggang sa makalabas ng kuwarto. Kung kaya lang ng kanyang katawan ay liliparin na niya ang main door. Kung sinuman ang taong nasa kabila

