PAGKABIGLA ang lumarawan sa mukha ni Marra nang mapagbuksan ng pinto si Tody.
She couldn’t let herself look excited. Ilang araw ang lumipas mula nang manggaling ito sa kanyang flat. Mula noon ay hindi na ito tumawag at nagpakita sa kanya. Ngayon lang.
He was wearing slacks and a polo shirt. Kahit kailan ay class talaga ang taste nito sa pananamit. Kung minsan ay daig pa siya nito.
Kumurba ang ngiti sa mga labi nito nang makita nitong natulala siya.
“Hi!” sabi nito sa relaxed na tono.
Hindi niya nais na mahalata nito ang tuwang bumalot sa dibdib niya nang makita itong muli.
“After several days and nights, I realized that it is easier if we become friends rather than enemies.”
Napatda siya sa narinig. Hindi niya inaasahan na maririnig iyon sa bibig nito.
“Friends?” ulit niya. Hindi ba’t iyon ang nasa isip niya nitong mga nagdaang araw? At tinanggap na niyang hindi iyon maaaring mangyari sa kanila.
“Why not?” tugon nito.
Yes, why not? He really has no idea, malungkot niyang naisip.
Ngayon ay naisip niyang hindi rin yata tama iyon. She thought perhaps things could be amicable between them. At hindi na kailangang gamitin ang isa sa pinaka-naaabusong salita: Friends.
Why would they call themselves that way if they could consider being civilized to each other? Civilized but never friends.
How could she befriend the man she loved? The man who only had to pull her into his arms to make her respond with overwhelming passion.
Maybe later, but not now. Iyon ay kung darating ang araw na magiging manhid na siya sa mga titig at hawak nito. Iyong makakalimutan niyang mahal niya ito.
Mababasa niya sa mga mata nito ang isang uri ng emosyon. Kung pakikipagkasundo nga iyon ay hindi pa niya matiyak.
“It seems you are afraid,” wika nito sa magaan na tono.
Huminga siya nang malalim. Alang-alang sa kapakanan niya, ng mga taong malalapit sa kanila, bakit hindi niya subukan ang sinabi nito?
Lihim niyang inasam na mabawasan sana ang tensyong namamagitan sa kanila.
“So, are we friends?”
Tumango siya. “All right...”
“I believe friends are allowed to have dinner together.”
Hindi niya inaasahan iyon. Kagaya ng hindi niya inaasahang babalik pa ito sa kanyang flat. Marahan siyang umiling. “Tody, n-no.”
“But why?”
Kung alam mo lang ang dahilan. I’m afraid of you, naisip niya.
It was frightening na para bang hindi niya kayang kontrolin ang sarili basta nasa malapit ito. She was always on the edge. At kung gaano kalaki ang pag-ibig niya rito, ganoon din kalaki ang takot niyang mabatid nito iyon.
Hindi niya isusugal ang sariling damdamin para lang mapagtawanan nito.
“I guess your silence means yes,” narinig niyang sabi nito.
Napalunok siya. Ano nga ba ang pakiramdam na magkasalo sila sa isang dinner? At bago pa matapos ang tila walang-katapusang daloy ng kanyang isip ay nagsalita na siya.
“Yes,” tugon niya sa malumanay na tono. “Kailan?”
Bahagyang napangiti ito. “Tonight, of course. Kailan pa ba dapat?”
I MUST be a fool, naisip ni Marra habang minamasahe niya ang kanyang anit habang nagsa-shampoo.
Pumayag siyang sumama kay Tody para sa isang dinner matapos niyang maikondisyon ang sariling subukang makipagkaibigan dito.
Napailing siya habang binabanlawan ang buhok.
Paano sila magiging magkaibigan matapos nilang magsama bilang mag-asawa noon?
Naisip niya ang mga pangyayari noon. Ngunit kagyat din niyang pinigil ang sarili. Wala rin naman siyang mapapala kung patuloy niyang alalahanin ang nakaraan.
Mabilis niyang tinapos ang paliligo.
Isang bahagi ng utak niya ang nagdidikta sa kanyang tanggihan na ang lalaki. O ‘di kaya’y huwag itong siputin sa lugar na pupuntahan nila para sa dinner.
Ngunit nang maalalang naroroon lamang pala ito sa living room ay imposible nang makawala pa siya rito.
Inanyayahan na nito ang sariling pumasok sa flat niya matapos niyang pumayag sa imbitasyon nito.
Napabuntunghininga siya habang namimili ng kanyang isusuot sa cabinet. Punumpuno iyon ng mga damit. At kung hindi lang sa organisadong pag-aayos ni Rachel sa mga damit at gamit niya ay mahihirapan siyang makahanap ng isusuot.
For the first time in her life, ngayon lang siya nahirapang mag-isip ng isusuot.
Pagkaraan ng ilang sandali na hindi pa rin siya makapili ay hinila niya ang isang drawer. Inignora niya ang salansan ng mga flimsy and lacy underwear. Pinili niya ang white cotton bra and panties. At habang isinusuot iyon ay nakapagdesisyon na rin siya kung ano ang isusuot.
Kinuha niya ang isang soft brown slacks at cream knitted blouse. Definitely not a come-and-get-me attire.
Mabilis niyang isinuot sa mga paa ang thong slippers. Noon niya narinig ang katok sa pinto.
“A minute more,” aniya sa malakas na boses saka hinarap naman ang pagsusuklay. Basa pa ang kanyang buhok. Maayos lang niya iyong sinuklay.
Ipinasya niyang huwag nang mag-make up. Sa halip ay baby powder ang ini-apply niya sa mukha at maputlang lipstick sa mga labi.
At bago nilisan ang kuwarto ay inilagay niya ang wallet sa isang knitted tote bag.
Nakatayo na si Tody. Halata sa anyo nito ang pagkainip.
“I’m ready,” sabi niya.
Tumiim ang anyo nito. Bigla ay na-conscious siya. O mas tamang sabihing nadismaya siya dahil wala siyang narinig na papuri man lamang dito.
Nasa anyo nito ang disgusto, marahil ay dahil sa suot niya.
“That...”
Mapakla siyang ngumiti. “There’s nothing wrong with my dress,” depensibong wika niya. “Dito ako komportable.”
“You must be,” sarkastikong sabi nito at saka umiling. “I don’t understand, Marra. You never dress yourself that simple. Why now?”
Nagtagis ang mga ngipin niya. “Nasabi ko na kanina, dito ako komportable. If you don’t want my attire then let’s forget the dinner. Wala na akong balak na magpalit ng damit.”
Tinitigan siya nito. Nilabanan niya ang titig nito. At pagkaraan ay nagkibit ito ng mga balikat.
“Let’s go.”
THEY were seated at the best table. Napakatagal nang panahon mula nang manggaling siya sa ganitong lugar. It was a fine restaurant. And Tody was always good at finding such places.
Hindi naging alangan ang kanilang bihis.
Ilang mesa mula sa inookupahan nila ay maririnig ang walang-inhibisyong tawanan ng mga guests.
Tiningnan niya ang hawak na menu ngunit wala naman doon ang kanyang isip. Pinagdududahan pa nga niya ang sarili kung makukuha niyang kumain. Parang may spaceship sa loob ng kanyang tiyan. Tila lumilipad sa loob na nagdudulot sa kanya ng uneasiness.
“What would you like to eat?” untag sa kanya ni Tody.
Tumingin siya rito matapos ibaba ang menu card. “I don’t even know if I’m hungry.”
Tumaas ang kilay nito. “Masarap ang pagkain nila rito. Let me order for you.”
Hindi na lamang siya kumibo. Iyon ang ugaling hindi niya alam kung nagugustuhan o kinaiinisan niya rito.
Mabilis na isinilbi sa kanila ang pagkain. At hindi nga nagkamali si Tody sa pagsasabing masarap ang pagkain doon. Nang malasahan niya ang pagkain ay kagyat siyang nagkaroon ng gana.
The dessert was equally good. She was having a wonderful time. Paano naman, sa buong panahon ng dinner ay hindi sila nagkaroon ng pagtatalo ni Tody. They exchanged pleasant talks na bagaman may mga punto na magkaiba sila ng pananaw ay hindi na nila masyadong binibigyan ng pansin.
“Of all places...” anang maarteng boses sa kanilang likuran.
Sabay silang napatingin sa pinanggalingan ng tinig.
Awtomatikong naisip niya na kakilala ni Tody ang naturang babae.
Bigla ang dagsa ng insekyuridad sa kanya nang mapagmasdan ang kabuuan ng babae. Mukha itong Asian bagaman hindi niya matukoy kung Filipina rin. Lutang ang kaseksihan nito sa suot na stylish skirt and tube blouse. Talagang ipinangangalandakan ang malusog na dibdib nito.
Nakita niya ang paglapit nito at paghalik sa pisngi ni Tody. Parang may pumisil sa kanyang puso sa nasaksihan.
“Jamie,” mahinang sabi ni Tody. “Jamie, meet Marra. Marra, she’s Jamie. You may have seen her on this month’s cover of Mirabella.”
“Marra?” Nanlaki ang mga mata nito.
“The prima ballerina,” sabi ni Tody na bakas ang pagmamalaki sa boses.
Ngunit hindi iyon naging konsolasyon sa kumikirot niyang puso. Dahil mas matutuwa marahil siya kung ipinakilala siya ni Tody bilang asawa nito at hindi sa titulong nakaakibat sa pangalan niya.
Proud din si Tody na ipakilala sa kanya ang babaeng naging cover model sa isang glamorosong magazine.
At masakit isiping lahat ay nakakakilala sa kanya bilang asawa ni Tody ngunit hindi ang babae.
“Oh...” bulalas ni Jamie.
Naghari ang katahimikan sa pagitan nila. Si Jamie rin ang bumasag niyon. “Well, I think I’m bothering you two.” At lumipat ang tingin nito kay Tody. “See you tomorrow.”
Muli itong yumuko para gawaran ng halik sa magkabilang pisngi si Tody. At bago tuluyang umalis ay nakipagbeso-beso rin ito sa kanya.
Tumayo si Tody para ihatid ito. Ngunit tumanggi ang babae kaya naupong muli ang lalaki.
“I assume you want to ask some questions,” magaan ang tonong sabi nito sa kanya.
Nilabanan niya ang selos na nararamdaman. “Why should I?” kalmadong tugon niya. “It’s obvious you know each other well.”
“Yes.” Sumandal ito. “Perhaps far better than you know Stephen.”
Gusto niyang manlamig sa implikasyon ng sinabi nito. Tody was indeed insinuating something. And she realized it was really a wrong decision na pinaunlakan niya ito ngayon.
Dinampot niya ang napkin at marahang idinampi sa kanyang bibig. Pagkatapos ay kinuha niya ang baso ng tubig. Hindi niya iyon ibinababa hanggang kakaunti na lamang at masasaid na.
“I’m sorry, Tody. But I don’t think this is a good idea after all. This dinner is a mistake. I’m sorry. I want to go home.”
Sa pagkabigla niya ay walang pagtutol na namutawi sa mga labi nito. Kinuha nito ang atensyon ng waiter at hiningi ang bill.
Wala silang kibuan sa loob ng sasakyan habang binabagtas nila ang kalsada.
Walang musikang umaagaw sa katahimikang nasa pagitan nila.
They used to ride home like this. Walang kibuan. But it was a comfortable silence then. And when they reach home, they would talk about what to nibble at during the night. Sa halip na iutos niya sa katulong ang gustong kainin ni Tody ay siya ang mismong gagawa niyon.
She would serve him in bed. It was either cookies, pizza or plain noodles. And they would giggle like naughty children.
Pero bakit kailangang alalahanin niya ang mga bagay na iyon? Lalo na sa gabing ito. She had been confronted with the evidence of a woman in his life.
Inihinto nito ang sasakyan. Nagitla pa siya nang matantong nasa tapat na sila ng tinutuluyang flat.
“Shall I bring you inside?” malamig na tanong nito.
Parang may bumikig sa lalamunan niya. “No, thank you,” pormal na tugon niya.
Ibinukas niya ang pinto at tahimik na bumaba. Ni hindi niya ito nilingon nang magsimulang humakbang.
Nang makapasok siya sa loob, nagtuluy-tuloy siya sa sofa at doon pinalaya ang sama ng loob.