Habang papalapit si Ella napatitig sa kanya si Juan Karlos nakita niya ang simpleng ganda nito kahit sa simpleng kasuotan lang nito. "Uhm! hi Ella, you look beautiful with your attire," may paghangang saad ni Edward.
"Thank you po Sir." tipid na tugon niya.
"Ella have a seat beside me." nakangiting wika ni Edward
"Salamat."
Paupo na sana si Ella sandali napasulyap siya kay Juan Karlos at nakatingin din pala ito sa kanya, mabilis niyang iniwas ang pagkakatingin dito, naramdaman niya ang pag-init ng kanyang mukha.
Napapangiti na lang si Edward sa kinilos ni Ara alam niya na naiilang ito sa kanilang amo, lalo pa tuloy niya itong inaasar dito.
"Sir ang ganda ng paligid di po ba? at si Ella mukhang gumaganda din po!" natigilan si Juan Karlos sa sinabi ni Edward.
"Of course magkakaboyfiend ba yan kung hindi yan maganda di ba?"
"Sir correction lang po ha, actuallywala pa ako boyfriend." Giit ni Ella.
"Ah! okay so you telling me yung naghatid sayo is not your boyfriend tama ba ako?" paninigurong tanong ni Juan Karlos.
"Yes, Sir he's one of my friends, and does it mean kapag sinabay ka lang papuntang work eh! boyfriend na,"
"Tama naman Sir baka naman kasi kaibigan lang talaga." may diin na pagkasabi ni Edward.
"Okay by the way, move on na muna tayo sa ganyang issue it's not important anymore. Excuse for a while." ani Juan Karlos.
Naglalakad papuntang banyo si Juan Karlos ng maalala niya ang sinabi ni Ella napangiti siya ng bahagya medyo gumaan ang pakiramdam niya ng marinig mula rito na wala pa itong boyfriend. Sino naman kaya ang lalaking naghatid sa kanya? tanging tanong niya sa sarili.
Natapos ang maghapon pumunta muna sandali si Ella sa cabin. inihiga niya ang sarili sa kama upang ipahinga ang katawan kanina lang ay napakaganda ng tanawin sa labas kita ang napakalawak na dagat. Sandali pa tuluyan ng nakatulog siya. Saka naman pumasok si Juan Karlos upang magpahinga din, ng makita niyang nakahiga si Ella sa kama may biglang pumasok sa utak niya isang babae na blured hindi niya maaninag ang mukha nito. sumakit sandali ang ulo niya pilit niyang kinikilala sino ang babaeng iyon na laging nasa kanyang isipan alam niyang hindi si Pau iyon ngunit sino ba talaga ang babae na laging nakikita niya sa kanyang nakaraan. Wala pa siyang pinagsasabihan patungkol dito ngunit alam niya na kabahagi ng kanyang nawalang alaala ang babaeng iyon. Tahimik siyang nahiga sa kanyang kama at malayang tinitigan si Ella ramdam niya sa kanyang sarili na parang nakita na niya dati pa si Ella kahit nung una pa lang niyang makita ito na lasing sa isang bar.
"Who's this girl? i felt strange when i see her!" bulong niyang sambit.
Nakaramdam ng init sa katawan si Juan Karlos ng suyurin niya ng tingin ang katawan ni Ella kaya naman dinaan na lang niya sa pagligo ang pakiramdam na iyon, ng matapos na siya tanging tuwalya lang ang nadala niya sa banyo kaya paglabas niya dali-dali siyang nagbihis baka makita siya ni Ella na nakahubad. Di niya alam kanina pa gising si Ella pinapakiramdaman lang niya si Juan Karlos sa loob ng kwarto. Habang nakatalikod ito at nagbibihis unti-unti niyang minulat ang mata ngunit nagulat siya ng makita niya ang kahubaran nito muli niyang pinikit ang kanyang mata. Bumilis ang kabog ng kanyang dibdib pakiwari niya naririnig na ni Juan Karlos ang t***k nito.
Sa kabilang kwarto naman busy si Edward sa kanyang tinatapos na trabaho. May biglang pumasok sa isip niya ang imbestigasyon patungkol sa kanyang namatay na ina.
"Inay sino ang may gawa nito sayo!?"
"Anak lakasan mo ang loob mo. Magpakatatag ka huwag kang paaapi ha!"
"Ako ang maghihiganti sayo inay!"
Dumaloy ang luha niya sa alaalng iyon na hanggang ngayon hindi pa rin nagbabayad kung sino man ang pumatay sa kanyang ina. Isang malakas na katok ang pumutol sa kanyang alaala. Inayos niya ang sarili at saka binuksan ang pinto.
"Sir! bakit ano pong problema?" tanong niya sa kanyang boss. Kita sa mukha ang pagkabalisa nito.
"Can i come in?"
"Yeah sure Sir."
"Ano ba ako dati Edward? before ako maaksidente meron bang dapat akong ikabahala? there's a lot of things coming inside of my mind and yet i don't know them."
"Sir Calm your self, why Sir do you remember a things from the past? or a person?"
"Meron akong nakikita but still a puzzles inside of me. I don't know them. Why they always messing up my mind."
"Wala ka po bang natatandaan sa mga alaala mo ng nakaraan Sir? simula ng maaksidente ka?"
"No. Nothing, it just someone always in my mind that girl but, i can't clearly saw her face.
"Wait lang Sir kukunin ko lang yung gamot mo."
"Sige please, in my bag."
Tinungo agad ni Edward ang bag ng kanyang boss. Naabutan niyang kagigising lang ni Ella.
"What happened Sir?"
"Wala naman nakalimutan lang ni Sir uminom ng gamot. Medyo sumakit ang ulo niya. Siguro dahil sa aksidente before."
Umalis din agad si Edward pagkakuha ng gamot samantala, nag-ayos ng sarili si Ella naglagay ng konting pabango. Tumungo din siya sa room ni Edward. Kumatok siya.
"Come in."
"Hello Sir okay na po ba pakiramdam mo?" tanong ni Ella.
"Yeah nothing to worry maya-maya mawawala din itong sakit ng ulo ko."
Nagpahinga lang ng konting minuto si Juan Karlos ng magsalita si Ella.
"Sir siguro mas maganda kung kakain muna tayo after ng dinner magpahinga ka na po." giit niya.
"Much better."
Naglalakad na sila patungo sa dining area ng barko. Pasulyap-sulyap na tinitingnan ni Ella si Juan Karlos kita niya sa mukha nito ang pagkabalisa hindi man sabihin pero kita sa mata na may lungkot itong nararamdaman. Nakarating na sila sa dining area paupo na si Ella ng makita niya ang isang babae na tila pamilyar sa kanya ngunit di niya maalala kung saan niya ito nakita. Nagkibit balikat na lang siya at tuluyan ng hindi pinansin ang nakitang babae.
"The food is good," ani Edward.
"Opo Sir, ang sarap ng adobo nila."
Tahimik lang si Juan Karlos habang kumakain hindi ito sumasali sa usapan ng dalawa, lingid sa kaalaman ng dalawa this few weeks ago lagi na niyang nararanasan ang ganitong pakiramdam na may mga bagay siyang importanteng tao na nakalimutan at may mga nakikita din siyang pangyayari na hindi niya maalala ito ay isang alaala pakiwari niya sa nakaraan niya bago pa man siya ma-car accident.
"Sir J." si Edward
"Yeah why?"
Sumagot si Ella.
"After natin mag dinner Sir okay po ba na magpahangin muna tayo sa taas may magandang view po doon."
"Nice idea." sagot ni Juan Karlos.
Pagkatapos nila kumain patungo na sila sa over view ng barko, dagling nagpaalam si Edward sapagkat may kukunin lang siya sa kanyang kwarto.
Dalawa na lang silang pumunta hanggang marating nila ang taas ng barko kita ang karagatan at kalawakan ng langit at malakas na hangin na tila dumuduyan sa kanila naghanap sila ng magandang place para makaupo dumako sila sa mga upuan na pwede ring pahingahan.
"Dito na lang tayo Sir."
"Sana ganito lagi ang paligid peaceful and refreshing ang air." May lungkot sa mata ni Juan Karlos habang sinsabi ito.
Naunang umupo si Ella naka- slant ang upuan kaya kita ang kalangitan. Sumunod naman si Juan Karlos. Ramdam ni Ella ang bigat sa puso ng kanyang boss kahit hindi sabihin.
"Uhm! Ella, can i ask you something?"
"Sure Sir, what is it?"
"Do you feel in love?" tumingin ito kay Ella naghihintay ng sagot ng dalaga.
"Hmm! yes but few years ago happened Sir."
"What happened to the guy? where is he now?"
"Sadly to say he left me after that..."
Hindi na tinuloy pa ang sasabihin dahil muli nanariwa ang pain sa puso niya dahil pagkatapos ng gabing iyon iniwan lang siya ni Jk mg walang paalam. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Ella para lang mailabas amg nasa loob.
"He left you aftet the night you spent together, tama ba?"
Titig ma titig ito kay Ella ng sabihin ang mga salitang iyon, napatingin din si Ella sa mata ni Jaun Karlos ang mata nito ngayon parang pamilyar kay Ella the way he look at her katulad ng kay Jk. Umiba ng tingin si Ella
"Impossible!" tanging salita na lumabas sa bibig ni Ella.
"What is impossible na posibleng ako ang lalaking iyon?" nakatingin na sabi nito kay Ella
"No Sir, he's not."
Pakiwari ni Ella nag-uunahan ang t***k ng puso niya, alam niyang kita ng kanyang boss ang pagkalito nito sa mga sinasabi nito.
"Minsan may nakita akong picture sa wallet ng isang babae kamukha ko siya, siguro nga mahal niya pa rin ang lalaking iyon kaya she kept it even a years ago wala na ito sa kanya."
Natahimik lang si Ella di niya alam kong siya ba ang pinapatungkulan nito. Pero ang alam niya malayong mangyaring si Juan Karlos ay si Jk. Kung makikita sana niya si Mang Dolfo pwede siyang maniwala na si Jk nga si Juan Karlos.