Strange feeling

1526 Words
Hindi makapaniwala si Juan Karlos na kilala si Ella ng investor na kakausapin nila sandaling binigyan niya ang dalawa ng time na makapag-usap. Lalong nagkaroon siya ng interes sa buhay ni Ella dahil sa konting sandali na nakakasama niya ito parang lumalalim ang gusto niyang malaman sa pagkatao nito. Lalo na ng marinig niya ang lugar na sinabi nito ang Sta. Monica marahil parang napuntahan na niya ito dati ngunit hindi niya maalala kung anong detalye patungkol dito. Natapos na rin ang konting huntahan ng dalawa tuwang-tuwa si Mrs. Cheng kay Ella dahil sa pagiging magalang at mabait nito kahit nung una pa lang silang nagkita sa Sta. Monica. "Well maganda ang presentation ninyo about sa project ano pa ba ang dapat natin patagalin. I will sign the contract." masiglang sabi ni Mrs. Cheng. "Wow, thank you ma'am sa trust sa company namin. We assure you na magiging maganda ang partnership natin sa project na ito." ani Ella. Si Juan Karlos mismo ang nagpresent ng project kaya tiwala si Ella na magugustuhan ng investor ang deal na ito sa project. "Thank you, ma'am, we expect more projects with you and to your company and mine to have partnership..." Sa kabilang silid naman magulo ang isip ni Juan Karlos napakarami niyang dapat alamin sa sarili ang mga bagay na laging gumugulo sa kanya sa tuwina'y mapapapikit ang kanyang mata may nakikita siyang babae na alam niyang napakaimportante nito sa kanya dahil bakit simula ng magkamalay siya sa ospital laging may bumabalik sa isip niya na mga taong hindi pamilyar sa kanya kaya pagbalik ng manila aalamin niya ang patungkol sa nakalimutan niyang alaala. "Yeah! so enjoy sa inyong bakasyon na rin dito sa club paradise, sana magustuhan ninyo dito. I expected you Ella sana minsan makapunta ka sa office. Baka mas marami pa tayong mapagkwentuhan." "Opo. Thank you again." Pabalik na sila sana ng kanilang tinutuluyang rest house dumating si Andrei na kinatuwa nito na naabutan pa niya si Ella sa club paradise ngunit hindi pa man tuluyang nakakalapit kay Ella, nagyaya ng umuwi si Juan Karlos. "Let's go guys marami pa tayong dapat pag-usapan about sa project." "Ella ano pasyal muna tayo before ka man lang bumalik ng manila." nakangiting yaya nito. "Ah! eh kasi pabalik na din kami sa rest house." ani Ella, habang ang mata nito ay nakatingin kat Edward. "Uhm! sige Sir mauna na lang tayo baka ihahatid naman siya ng boyfriend niya pauwi sa rest house." sabi ni Edward kay Juan Karlos ngunit walang imik itong nagpati-una ng lumakad. Dagdag pa niyang sabi. "Sige Ella take your time with your love." may pang- aasar na wika nito. Lulan na si Edward at Juan Karlos ng kotse ay sumulyap muna si Juan Karlos kila Ella at Andrei. Ngunit ang dalawa ay bumalik sa loob ng resort. Matalim na tingin ang pinukol sa dalawa may sidhing pagseselos ang naramdaman ni Juan Karlos na ngayon lang niya naramdaman. Na kahit siya mismo nalilito sa kanyang nararamdaman dahilalam niya na hindi ito tama dahil si Pau lang dapat ang pinagtutuunan niya ng pag-ibig at panahon. Ganunpaman, hindi niya maiwasan ang makaramdam siya ng strange feelings kay Ella. "Edward, can I ask you something?" ani Juan Karlos "Yes Sir ano po ba iyon?" "About kay Ella mas matagal mo na siyang nakasama, ano ang alam mo sa kanya?" Sumungaw ang ngiti sa labi ni Edward na may pang-aasar. "Bakit naman po Sir naitatanong ninyo yan? may kakaiba po bang kayong feelings sa kanya? nakatawa nitong sabi. tumingin ito kay Edward na nakakunot ang noo,. "I mean syempre epleyado ko siya gusto ko lang malaman ang background niya hindi ko alam isang parte ng kaisipan ko parang we met before pero kahit anong gawin kong pag-iisip wala akong ma-recall." "Sir ako na nagsasabi sayo na hindi pa kayo nagkakilala ni Ella before, kasi hindi ka pa naman nakakarating sa lugar nila and besides ngayon lang siya nagwork after niya maka-graduate, at ng mamatay na si aling Susan ang nanay niya eh ngayon lang siya nag-stay dito sa manila. "Ganun ba!" malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Nakaramdam ng panghihinayang si Juan Karlos dahil hindi nagtutugma ang mga bagay na nasa kanyang isipan. Umalingaw ang kantang 'Make it with you' by bread sinasabayan ang pakiramdam niya na parang nalulunod sa lungkot ang puso niya. May hinahanap siya na hindi niya maramdaman kay Pau na hindi magtatagal ay magiging Mrs. Alvaro na ito. Napasulyap ng bahagya si Edward kay Juan Karlos dama nito na malalim ang iniisip ng kanyang boss. Nakarating na sina Juan Karlos at Edward sa rest house dumiretso ng kani-kanilang kwarto ang dalawa ibinagsak ni Juan Karlos ang katawan sa kama bigla niyang naalala si Ella hindi maalis sa isip niya ang kaninang eksena na ang lalaking iyon na kasama ngayon ni Ella ay nobyo nito. Tumayo siya at pumunta sa terrace ng kanyang silid lumanghap siya ng sariwang hangin ito ang pangarap niya kung siya man ay magpapamilya isang tahimik na lugar malayo sa ingay kasama ang babaeng makakasama niya habang buhay at ang magiging sulpling nila. Ngunit taliwas naman sa gusto ni Pau gusto ng maluhong buhay, sikat at gusto siya ang masusunod palagi. Ngunit si Ella napakasimpleng babae konteto sa buhay na meron siya di naghahangad ng anupaman kaya marami ang nagmamahal sa kanya. Gabi na ng dumating si Ella rinig ni Juan Karlos ang tunog ng sasakyan pumarada sa labas ng bahay sumilip siya ng palihim sa may bintana natanaw niya ang pagbaba ni Ella sa sasakyan hindi na bumaba pa Dr. Andrei hanggang sa umalis na ito pumasok na ng bahay si Ella nakangiti ito habang paakyat na sana ng hagdan. Nakatingin pala si Juan Karlos sa kanya. "Ayy! Sir nakakagulat naman po kayo," bulalas ni Ella. "Bakit ngayon ka lang? gabi na di ba! sa susunod sana tumawag ka kapag gagabihin ka." Galit nitong sabi sabay talikod patungo sa kanyang silid. Kasalukuyan naman nasa kusina si Edward. "Ano ba naman 'yan besh, tatay ang datingan ni Sir ah!" natatawang sabi. "Sir 'wag kang maingay baka mapagalitan pa tayo, ano kasi kinagagalit niya?" "Naku girl 'wag mo ng alamin, baka magulat ka pa." "Huh! bakit naman?" "Kasi nga baka nagseselos," "Ha! kanino naman?" "Kumain ka na ba miss Alvarez? Nagulat sila ni Edward ng pumasok ito sa kusina na hindi nila naramdaman. Natahimik sila bigla dahil hindi nila inaasahan ang pagsulpot nito. "Nagmerienda na po kami sa club paradise." "Nino? ng kasama mo? magpadeliver ka na lang kakain tayo ulit." inis na sabi nito. "Opo Sir." Kibit balikat na lang sina Edward at Ella sa ikinilos ng kanilang boss, natatawa lang si Edward sa pinapakitang pagka-irita nito kay Ella. Nasa hapag-kainan na silang tatlo hindi pa rin naimik si Juan Karlos at kita pa rin sa mukha nito na hindi okay ang kanyang mood. "Nga pla Sir muntik ko ng makalimutan yung pinabili mo sa akin na airpod ibigay ko na lang sayo mamaya." ani Edward. Binasag ang katahimikan nilang tatlo. Naalala ni Juan Karlos na naglagay pala siya ng airpod habang nasa sasakyan sila ni Ella kanina. "Sira na ba airpod mo Sir di ba gamit may ginamit kayo kanina?" tugtong na sabi ni Ella. Nagkatinginan si Edward at Juan Karlos. Umiiling lang si Juan Karlos at suminyas siya kay Edward para saluhin siya sa tanong ni Ella. Nakuha naman niya ang ibig sabihin ng kanyang boss. "Ah! oo nagpabili ng extra si Sir mas maganda na kasi na kapag nasira yung isa, eh may pangpalit agad di ba." "Sabagay tama ka naman." Nabunutan ng tinik si Juan Karlos dahil kung hindi siya nasagip ni Edward malalaman ni Ella na sira na pala ang airpod na suot niya kanina para hindi marinig ang usapan nila ni Dr. Andrei ng tumawag ito sa kanya. Nagpaalam si Edward sandali dahil may pupuntahan lang itong kaibigan sa kalapit na resort. Pinayagan naman ito ni Juan Karlos dahil alam niyang lalaki naman ito. Habang nasa kwarto na si Ella naalala niya si Andrei kung gaano ito kalambing at ka-gentleman naisip niya na baka si Andrei na nga ang susi para makalimutan na niya si JK simula ng araw na iniwan siya ni JK wala pang ibang lalaki na nagparamdam sa kanya na importante siya at dapat na mahalin. Unti-unti na niyang nararamdaman na panatag ang loob niya para sa lalaki sa ngayon kinikilala pa noya ito ng lubusan kung papasok man siya sa seryosong relasyon sisiguraduhin niya na ito na ang magiging kasama niya habang buhay. Kinuha niya ang wallet niya at tiningnan ang larawan ni Jk ng minsan pumunta ito at si Mang Dollfo sa kanila sa Sta. Monica hiniling kasi ng kanyang ina na magpakuha silang tatlo ng litrato para daw remembrance. Muling nanariwa ang lungkot sa puso ni Ella lungkot para sa ina at kay Jk. "Nasaan ka na ba Jk? bakit 'di pa rin maalis sa isip ko na sana ikaw si Sir Juan Karlos pero napaka imposible dahil alam kung hindi ikaw iyon kung sakali man iisa kayo dapat nakikilala mo pa rin ako." malungkot na turan ni Ella sa sarili habang nagmamasid sa may terrace ng kanyang silid."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD