Kinabukasan maagang nagluto si Ella para kay Jk.
"Bakit kaya ganito nararamdaman ko para sa kanya. Hindi pa ako nakaranas ng ganito, ito na ba ang sinasabi nilang pag-ibig?" nasabi ni Ella sa sarili
Pagkatapos magluto ni Ella ng lugaw dinala niya ito sa kwarto ni Jk tulog pa ang binata at lumapit siya rito at dinampi ang kamay sa noo nito, subalit ng paalis na siya tinawag ang pangalan niya.
"Ella, wag ka munang umalis. Bakit ginagawa mo ito? di mo na kailangan alagaan ako. Kaya ko naman sarili ko," malumanay na sabi ni Jk
"Sabi po kasi ni Mang Dolfo wag kitang pabayaan at ginagawa ko lang po ang bilin niya sa akin," maikling sagot ni Ella
Tila hindi iyon ang gusto marinig ni Jk na sagot, subalit kailangan niya magpalakas dahil matagal na siya lumagi sa lugar na iyon kailangan na niyang bumalik ng manila dahil marami siyang naiwan na trabaho sa kompanya.
Kaya naman pinilit niyang kainin ang kaninang niluto ni Ella na lugaw para sa kanya, sa makatuwid wala na siyang rason para magtagal pa sa lugar na iyon.
Tila may naramdaman na panlulumo si Jk dahil sa babaeng muntik na niyang maangkin.
"Bakit ko iniisip ang babaeng iyon, isa lang ang babaeng para sa'kin si Pau."
"Kumusta na kaya si Jk?" tanong ni Ella sa sarili
Ngunit di pa man nakakapasok si Ella ng banyo para maligo papasok siya sa eskwela dahil ilang araw na lang matatapos na ang ilang taon paghihirap sa kolehiyo, ng biglang naunang pumasok si Jk sa loob ng banyo
"Ha! maliligo ka na po? baka mabinat ka!"
"Ah ako! hindi ako tatablan niyan, gusto mo bang sumabay sa'kin?" ngiting nanunukso ito kay Ella
"Mauna ka na pala mamaya na lang ako, maaga pa naman." namumulang wika niya
Maya-maya lang natapos din si Jk sa banyo at nakaboxer short lang ito. Hindi mapalagay si Ella na parang nakakaramdam siya ng init sa mga pisngi at pagdaka'y.
"Okay next na ako," patakbong tinungo ni Ella ang banyo.
Halos mabingi si Ella sa lakas ng kabok ng dibdib niya at pagpasok sa loob nilock niya ang doorknob at baka naisip niya baka pumasok ito sa loob.
"Ano ka ba Ella para ka talagang sira 'yun lang eh, halos bumigay ka na nga 'nung isang gabi sa halik niya," nawika ni Ella sa sarili habang nakaharap sa salamin.
Paglabas niya ng banyo nakashort at t-shirt na white si Ella habang nagpupunas ng kanyang buhok.
Akala niya ay nakaalis na ang lalaki dahil narinig na niya ang pagandar ng sasakyan.
"Sumabay ka na sa'kin madadaanan ang school ninyo, at wag ka ng tumaggi."
"Okay po, magbibihis lang po ako sandali." tipid na sabi
Habang nasa sasakyan tahimik lang ang dalawa habang binabaybay ang daan patungo sa eskwehan ni Ella at nagtanong si Jk na kinagulat ni Ella.
"First time mo ba?"
"A-anong first time po?" kabang sagot
" Yung torrid kiss. Parang ngayon ka lang ata nahalikan ng isang lalaki." nakatawang wika ni Jk
"A-Aba sir! bakit mo naman natanong."
"Eh! kasi nanginginig ka pa!" pang-asar na sabi nito
Di makasagot si Ella tumingin na lang siya sa labas ng bintana ng kotse dahil baka makita nito ang mukha niyang namumula sa hiya.
Habang palabas ng sasakyan si Ella.
"Don't worry hindi ako kiss and tell." tipid na ngiti ni Jk
"Salamat po" maiksing sagot ni Ella kay Jk
Nagmamadaling pumasok si Ella sa compound wala ng lingon-lingon habang ang best friend niyang si Kathy kababa lang ng tricycle.
"Pssst! best friend." tawag ni Kathy
Dercho lang ang lakad ni Ella dahil baka nakatingin pa si Jk sa kanya, tumakbo na si Kathy para maabutan si Ella
"Hoy! nakita kita hinatid ka ni Prince charming mo!" nanunuksong sabi ni Kathy
"Naku, ayaw ko sana kaso mapilit siya." ismid na sabi
"Wow... girl talaga ba! ikaw pa napilitan sa gwapo ni sir Jk,"
"Umamin ka nga sa'kin may nangyari ba na hindi ko alam between you and him?"
"Ano bang sinasabi mo, alam mo naman motto ko in life di ba." ngiting wika ni Ella sa kaibigan
Graduation day...
masaya ang lahat ng mga nagtapos sa sa Business administration course lalo na si Ella at Kathy dahil hawak na nila ang diploma, resulta ng kanilang paghihirap ng apat na taon kaya naman ang ibang estudyante ipinaghanda ng kani-kanilang pamilya sa espisyal na araw na ito.
"Anak gusto mo ba kain tayo sa carinderia ni aling Mina," saad ni aling Susan
"Wag na po inay may pagkain naman sa bahay di ba?" ngiting sagot nito sa ina
"Ella."
Biglang napalingon ang mag-ina dahil sa tumawag ng pangalan niya ngunit laging gulat niya kung sino ito.
"Mrs.Uy kaw po pala." wika ni Ella
Lumapit ang mag-ina sa sasakyan ni Mrs.Uy.
"Congratulations sayo Ella, sumakay na kayo mag-ina at may pupuntaha tayo saglit,"
At di nag-atubili ang dalawa na sumakay sa kotse ni Mrs.Uy
Nakarating na sila sa lugar na sinabi ni Mrs.Uy, di inaasahan ni Ella dadalhin sila ng kanyang ina sa isang restaurant sa kabilang bayan nagulat si Ella na sabay lang silang dumating ni Kathy at tiyahin nito
"Sige na umorder na kayo kahit anong gusto ninyo, don't worry treat ko," masayang saad ni Mrs.Uy
"Thank you po Ma'am, sobrang nagpapasalamat po ako kasi sa apat na taon nagtrabaho kami ni Kathy sa boutique mo hindi mo po kami tinuring na iba." naluluhang sabi ni Ella
"Ano ka ba Ella, para ko na din kayong anak ni Kathy." giit ni Mrs.Uy na may ngiti.
Masayang umuwi sila Ella at ang kanyang ina.
"Inay, marami pong salamat sa hirap mo para lang ako makapagtapos ng kolehiyo kahit, alam kong hirap na hirap ka na sa buhay natin. Hayaan mo po makakaraos din tayo kapit lang inay," ani Ella
"Kaw bata ka, ano ka ba syempre nanay mo ako natural gagawin ko lahat para sayo. Higit sa lahat mahal na mahal kita anak." turan ng ina
Kinabukasan maagang pumunta si Ella sa bahay ni Jk. Pagpasok niya sa loob tahimik at mukhang wala ng tao sa loob ng bahay, dahan-dahan siyang pumunta sa kwarto ni Jk ngunit pagbukas niya ng pinto wala ito sa loob.
"Nasaan kaya ang lalaking 'yun?" nasabi sa sarili
Ngunit tanghali na wala pa din ito.
"Saan kaya pumunta si sir Jk baka bumalik na sa manila, ngunit andito pa ang mga gamit n'ya."
Sa kabilang bayan patuloy pa din si Jk sa pagtatanong sa mga tao roon ngunit walang nakakaalam sa mga pakay n'ya sa lugar na iyon. Sa di kalayuan may matanda siyang nakita sa gilid ng kalsada nagtitinda sa may kariton.
"Tay, pwede po bang magtanong nakikila mo ba ang taong ito?"
Nakita niya kung gaano nagulat ang matanda ng makita nito ang litrato, ngunit ang sinabi lang nito patay na ang tao na iyan, matagal ng panahon. Halos manlumo si Jk sa nalaman.
"Wasting so much time here, bukas babalik na ako ng manila para kalimutan ang kalukohan na'to."
Habang nakasakay si Jk sa kotse, naalala niya ang reaksyon ng matanda ng ipakita niya ang litrato. Kinabig niya pabalik ang sasakyan kung nasaan ang matanda ngunit pagdating niya wala na ito at ang kariton nito sa lugar lung saan ito nagtitinda.
"Nasaan na ang matandang 'yun? bakit, imposible naman nakaalis siya kaagad. Bakit parang nataranta siya ng makita n'ya yung picture. Gusto ko siyang makausap baka may alam siya.
Naglakad lakad siya sa palagid malapit sa may simbahan ngunit wala na talaga ito.
"Taga saan kaya ang matandang 'yun, I know in heart he knew something the way he hesitate to answer." giit niya sa sarili
Ngunit lingid sa kaalaman ni Jk na ang matandang hinahanap niya ay pinagtataguan lang siya, ng maramdaman na wala na si Jk umalis na siya at umuwi na sa kanyang maliit na bahay.
"Sino kaya ang batang iyon? Bakit niya tinatanong kung sino 'yung nasa litrato, di ba niya alam si Don Mariano yun, isang malupit na.
Hindi na naituloy pa ng matanda ang nagdaang alaala ng may kumatok sa pinto.
"Sandali lang, nariyan na. Sino ba naman ang kumakatok na," gulat ng matanda pagbukas
"Hello po.Tay ako po yung kausap mo kanina sa may simbahan naalala mo ba yung may litrato akong pinakita?" ani Jk
"Oo iho naaalala kita, ano bang gusto mong malaman sa tao na 'yun? wika ng matanda
"Sino po ba s'ya?" Tanong ni Jk sa matanda
"Ano bang kaugnayan mo sa kanya iho?"
Katahimikan sandali ang pumagitna sa kanila.
"Actually po, hindi ko kilala ang tao na yan gusto ko lang malaman sino s'ya dahil sa mga importanteng rason. Na gusto kong malaman sino ba s'ya?"
"Si Don Mariano isang haciendero iho, mabait siya sa taong sumusunod sa kanya ngunit malupit sa hindi."
At naikwento na ng matanda ang mga impormasyon na gustong niyang malaman, Di niya alam kung maniniwala siya sa mga sinabi ng matanda,dahil mula pagkabata iba ang ipinamulat ng kanyang ina patungkol dito.
"Mommy! you lied to me! i will never forget this." galit na saad ni Jk