Pumayag si Jack na gupitin ko ang kaniyang mahabang buhok. Hindi man ako batikan sa pag gugupit ng buhok ng lalake, Pero may karanasan akong gumupit ng buhok. At ang una kong nagupitan ng buhok ay si Enzo. Sana hindi ako pumalya rito "Teka h'wag kang malikot." hinagod ko ng suklay ang buhok niya. "Hindi kaba naiinitan sa buhok mong yan." "Mas sana'y akong mahaba ang buhok." maikling wika nito "E, bakit ka nagpagupit?" maang na tiningnan ang repleksiyon niya sa salamin"Kasi pinilit mo 'ko." "Hoy di kaya kita pinipilit concern lang ako sayo." sinuklay ko ulit ang buhok niya "Hindi ba uso sa inyo ang gupit? You know gunting." natatawang nilingon siya sa salamin. "Hindi." " In all fairness huh, kahit mahaba ang buhok mo gwapo ka parin." bumwelo ako at ginupitan siya. "Anong sinabi mo

