Dale's Pov "Ano ba Caspian ibaba mo nga ako!" Sigaw ko saka pinaghahampas ang likod niya. Nakakainis kasi itong kumag na'to bigla ba naman akong binuhat ng lalakeng ito. Kaya halos nagtilian ang nasa loob ng Cafeteria. Yuck! Pinaka-malas na araw ko ito kasumpa-sumpa hindi lang ako pumayag! Na samahan siyang kumain e, bigla na lang akong binuhat niyan. Akala niya ata ganun lang kadaling mag-move on? Ako yung pinapalayo niya tapos ano ngayon magiging sweet na naman siya sakin? Ano na naman ba Dale? Aasa ka na naman tapos ano? Sasaktan ka niya ulit? Ang hirap maging marupok! Kasi siya lang ang kahinaan mo! "Manahimik ka nga diyan may atraso ka pa sakin!" "Heh! Atraso mo mukha mo!" Saka pinitik ko ang tenga niya. "Don't touch my ears!"angal niya kaya pinitik ko pa ito. "E, gusto ko

