3 Months Later... [Kisha's POV] "Kisha!!!" nagulantang naman ang payapa kong pagkatulog ng marinig ko ang sigaw ni Tasha. Mula sa labas ng kwarto ko. Kinuha ko naman yung unan ko at pinantakip ito sa tenga ko. Narinig ko naman ang sunod na sunod na katok nito sa pinto ko. Sa tingin ko kakalas na sa pagkaka-kabit yung pinto sa sobrang lakas niyang kumatok. Ilang minuto din ang lumipas at wala na akong narinig pang katok mula sa pinto. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil makakatulog na ulit ako. Mukhang napagod na din si loko kakatawag. "Kisha!!!" napabangon naman ako ng marinig kong nasa loob na siya ng kwarto ko. Inis ko naman itong tinignan. "Bakit ba!? Kay aga-aga nambubulabog." iritang sabi ko dito. "Nakita mo na ba yung letter na pinadala sayo?" napakunot naman noo ko. "Anong

