[Ranz's POV] Ang dilim nasaan ba ako? Teka! May liwanag akong nakikita. Agad naman akong naglakad papunta roon. "Dahil sayo nasira ang plano ko!" "Ganyan ka na ba kasakim? Lahat na lang gusto mo na kunin!" "Oo! Sakim na kung sakim. Kinukuha ko lang kung ano dapat ang akin!" Napatulala na lang ako sa nakikita ko si Tito at Jinghin magkausap. "Bakit ba hindi mo tanggapin yang pagkatalo mo?!" "Bakit sa tingin mo ba kapag nasa pwesto kita matatangap mo?? Hindi Clav! Hindi!!" Nakita ko naman kung paano pinagbabasag ni Jinghin lahat ng natapos ni tito na experiment. "Ano tapos ka na!?" galit na galit na tanong ni tito. "Hindi pa!" Tinutok naman ni Jinghin yung baril niya kay tito. Napatakbo naman ako sa pagitan nila at hinarang ko ang sarili ko sa baril kaso tila ba isa akong multo hi

