[Shiela's POV] "Andrey!" sigaw ko. Paano ba naman panay takbo ng takbo sa loob ng hospital. Kanina pa kami habol ng habol. "H-hayaan na lang kaya natin?" hingal na hingal na sabi ni Johnrey. Umiling lang ako. "Eh ano? Hahabulin na lang ba natin yan buong araw?" reklamo niya. May naisip naman ako bigla. "Bakit kaya hindi tayo maghilaway? Ako sa kabilang side dadaan kung saan papunta si Andrei ikaw naman habulin mo lang siya." Suggestion ko sakaniya. Nakita ko naman sa mukha niya na tila ba nagaalangan pa siya. Pero bandang huli. "Oo na sige." kaya naman nagpunta na ako sa kabilang direksiyon at siya naman padiretso. Habang tumatakbo ako may nakikita naman akong dalawang tao sa may entrance isa si James tapos yung isa hindi ko makilala kung sino dahil na rin sa natatakpan ito ng pinto.

