“ANG kulit mo talaga, Jak!” naiinis na saad ni Kricel. Alam ni Jak na nakukulitan na talaga ang asawa ni PJ sa kanya. Kinakausap na niya ito simula pa kahapon sa reception ng kasal ng mga ito hanggang ngayon na paalis na sila paunta sa kanilang honeymoon. Sinadya pa niya silang sundan sa mismong airport para lang maabutan ang mga ito. “Sorry, Kricel. Pero kailangan ko lang talagang malaman ang totoo. Sigurado ka na anak ni Lyla sa ibang lalaki ang batang iyon?” Sinimangutan siya ni Kricel. “Kasasabi ko lang, hindi ba?” mataas ang boses na sagot ni Kricel. “Hindi ako makapaniwala,” nailing na saad ni Jak. “Ilang taon na ba iyong bata?” Ilang segundong natahimik si Kricel. Nag-iisip pa yata ito ng isasagot. “Sa pagkakatanda ko, apat na taon na siya. Iyon ang sabi sa akin noon ni Lyl

