ILANG minuto lang ang lumipas pagkatapos nilang kumain, nagpaalam na rin si Jak. “Aalis na ako. Gagabihin na ako sa daan,” wika niya kay Lyla. “Saan ka pupunta, tatay?” namimilog ang mga matang usisa ni Lemuel. “Babalik na ako ng Manila, anak. Magpakabait ka, ha? Huwag kang masyadong magpapagod. Saka huwag mong kalilimutang inumin ang mga gamot mo.” Niyakap ni Jak ang anak saka ito hinalikan sa tuktok ng ulo. “Bakit aalis ka na? Ayaw mo na ba sa akin? Hindi mo na kami gusto ni nanay? Iiwan mo na naman kami?” diretsahang tanong ni Lemuel. Parang piniga ang puso ni Jak sa tanong na iyon ng anak. Hindi niya gustong masaktan ito lalo na at nagpapagaling pa lang ito mula sa operasyon. Yumuko siya at hinarap ang anak. “Hindi naman ako aalis dahil ayaw ko sa inyo ng nanay mo. Mahal na ma

