At exactly seven am sharp, pumasok sila ng amo niyang si Ismael sa conference room. At ang kaninang ingay na naririnig niya sa labas ay biglang nawala, naglaho na parang bula at napalitan ng tensyon. Hindi na bago kay Celestine 'to, ilang beses na rin siyang nakapasok sa conference room—gawa ng makailang beses na rin siyang naging sekretarya. "Good morning ladies and gentlemen," Halos kilabutan si Celestine nang dahil sa malamig at malalim na pagbati ni Ismael. Malayong-malayo ang tono ng tinig at presensiya nito sa kanina. Kung kanina ay may bahid ng kapilyohan, ngayon ay purong kaseryosohan—at panganib. “Good morning Sir,” Sabay-sabay at tila sundalong pagbati pabalik ng mga taong naroroon. And as Celestine scans the whole area ay dumapo ang kaniyang mga mata sa HR Manager na si Rei

