Kinabukasan ay maagang nagising si Ismael. Tumayo siya mula sa pagkakahiga at kaniyang hinawi ang makapal na kulay puting kurtina sa bintana ng kaniyang kwarto, at siya ay bahagya pang napapikit ng tumama sa kaniyang mga mata ang nakakasilaw ngunit hindi mahapdi sa balat na sinag ng araw. Nasa ikalawang palapag siya ng maniyang mansyon, nakatapat ang kaniyang silid kung saan tumatama ang sinag ng araw—na siyang ayaw niya—na siyang gusto naman ng kaniyang ina, na hinayaan niya na lang para hindi sila mag-away pang dalawa. Thou, may sarili rin itong bahay. “Anong oras na ba?” Bulong ni Ismael, hindi pa gaanong maidilat ng husto ang mga mata. Muli niyang isinara ang kurtina at kinuha ang kaniyang mobile phone na nakapatong sa ibabaw ng kaniyang bedside table, naupo siya sa dulo ng kaniya

