Betrayal 28 Jade’s POV Inihahanda ko na ang mga gamit ko ng araw na iyon, nakapagdesisyon na kasi ako. Pagkalipas ng isang linggo simula noong pumunta ako sa office ni Mister Vince, at yung mga bagay na sinabe niya sa akin. Pero sa totoo lang, nag-isip talaga ako ng husto. Ang hirap kasi eh. Magpapakasal ako sa isang taong hindi ko naman mahal. Sa isang taong di ko pa nakikilala. Pero noong Makita ko ang buhay ng Mama ko, ayaw ko naman siyang manatili sa ganitong sitwasyon, gusto ko na siyang makawala sa buhay na ganito. Sa sitwasyong ito, nag-paalam si Mama sa akin na mamalengke lang raw siya. Samantala si Shane naman ay nasa kapitbahay, kasama ng kanyang kaklase ay gumagawa raw sila ng project. Ako at si Sauro lang ang naiwan sa loob ng bahay. Nang may biglang kumatok, binuksan ko ito

