BETRAYAL 26 JADE’S POV “Ateeeeeeeeeeeee.” Rinig kong sigaw ng kapatid kong si Shane sa likod ng pintuan ng kwarto ko. Kaagad akong napatayo sa higaan ko ng minutong iyon, kasi baka anong nangyari. Panay pa ang katok nito sa likuran ng pintuan ng kwarto ko. Noong binuksan ko pintuan ng kwarto ko, nagulat ako kasi parang di makahinga si Shane. Niyugyug ko pa ang katawan nito. “Hoy, anong nangyayari sa iyo?” Pag-aalalang tanong ko pa sa kanya. “Ate… ate…” “Kumalma ka nga, ano nga ba kasi?” sabay turo sa labas ng kwarto ko. Sumilip ako at may nakita akong isang lalake na nakasuot ng coat and tie. Kinabahan ako ng bigla. “Sino ba yun?” pagtatakang tanong ko sa kanya. “Ate, ang gwapo. Don’t tell me na boyfriend mo yun?” boyfriend ko? Si Jarvis ba yun? Aba wag ka nang mag-assume Jade. Di

