Betrayal 24 Jade’s POV Muli na naman akong bumalik dito. Parang kailan lang? parang noong isang taon lang? pero ang totoo, halos limang taon na ata akong hindi umuuwi sa bahay naming ito. Wala paring pinagbago, ganun parin. Pati yung mga tao sa paligid ng aming bahay. Yung mga lasenggerong kainuman ng stepfather ko. Na siyang bumati sa akin, ningitian ko lang sila. Tumayo pa siya at mukhag nakilala na niya ako, limang taon. Putang ina! Limang taon pero hindi parin nagbabago ang ugali niya. Kailan ba siya magbabago? Kapag ano? Kapag wala nang makain ang pamilya ko? Kapag patay na ang Mama ko sa kakatrabaho para lang mapakain siyang hayop siya? “Oh? Bumalik ka na pala?” maangas na sabi pa niya sa akin. Inaamoy-amoy pa niya ang buhok ko, habang hawak-hawak nito ang isang bote ng alak na mu

