Betrayal 20 Jade’s POV Nakita ko ang status ni Jessy sa f*******: na, “it’s over… goodbye.” Kaagad ko siyang tinawagan pero walang sumasagot. Kinakabahan ako sa mensaheng iyon ni Jessy sa f*******:, kaya ang pumasok kaagad sa isip ko ay ang tawagan si Jarvis, pero napatigil ako noong naisip ko yung nangyari kahapon. Kitang kita ko sa mga mata niya na galit na galit siya sa akin. I can’t blame him naman eh, alam kong maraming beses na niyang sinabe na layuan ko si Ivo, kahit na hindi naman nito sinasabe kung bakit ko kailangang gawin yun, although alam ko naman sa sarili ko yung totoong dahil, I just don’t get the point why he wants me to get out of the situation. Nasa una palang naman ako na yung dahilan kung bakit sila nagkahiwalay ngayon. Nakadial na ang number ni Jarvis ng minutong iy

