Chapter 9

3004 Words
Confused "Klei!" "Hey!" nakangiting kumaway ito sa kaniya. Nang silipin niya ang loob ay wala itong kasama. "Hi. Uhm, saan ka galing?" sinulyapan niya ang daan na pinanggalingan nito. Malapit lang ba dito ang bahay ng lalake? "Dinalaw ko ang mga pamangkin ko. Ikaw ba, pauwi ka na?" Tumango siya. "Great! Hatid na kita." inabot nito ang lock ng pintuan ng kotse at itinulak iyon pabukas. Medyo malayo layo na rin ang nilakad niya at wala pa rin dumadaang sasakyan. Mas mabuting tanggapin na lamang niya ang alok nito. "Salamat." ngumite siya sa lalake bago pumasok sa kotse nito. Nang maikabit niya ang seatbelt ay doon pa lamang pinaandar ng lalaki ang sasakyan. "Day off mo?" sinulyapan nito ang dala niya. "Oo. Galing ako sa mansyon ng mga Monteagudo." Tumango tango ang lalaki. "Sayang naman. Kung alam ko lang sana inaya kitang lumabas kanina." Sumimangot ito. "M-May oras pa naman. Saan mo ba gustong pumunta?" Mabilis ang ginawang paglingon ng lalake sa kaniya. Mukhang hindi nito inasahan na ganoon ang magiging tugon niya. "Really?" pasulyap-sulyap ito sa kaniya at sa daan. Tumawa siya. Ang cute ng reaksyon ng mukha nito. "Oo nga. Wala na din naman akong pupuntahan pang iba. Saan mo ba gusto?" Pagdating niya sa bahay mamaya, itutulog lang din niya. Might as well, pumayag na siya. Bakas ang excitement sa mata ng lalaki. "Uhh, let me think..." Hinayaan niya ang lalaki pero ilang minuto na ata ang nakalipas ngunit wala parin itong binabanggit na lugar. "I am actually craving for some barbecue at may alam akong lugar kaso malayo layo pa. Pagabi na rin baka hanapin ka ng parents mo." napapakamot sa ulong sabi ng lalaki. How sweet of him. Pero gusto niya rin ng barbecue! "Sa bahay na lang tayo. Bili na lang tayo ng sangkap pangbarbecue." suggest niya na ikinagulat ng lalaki. "Sa bahay niyo? Hindi ba magagalit ang parents mo?" Umiling siya. "Hindi. Malaki na ako saka wala naman tayong gagawing iba doon kundi ang magbarbecue." Huli na para masagi sa isip niya ang sinabi. "Right." natatawang sang-ayon nito. "A-Ang ibig kong sabihin, mas gusto nga yun ng mga magulang ko. Alam nila kung sino ang kasama ko." Pigil ang ngiti sa labi ng lalaking sinulyapan siya na nagkautal utal. "Pero kung ayaw mo—" "No." putol nito sa sasabihin niya. He looked at her straight to her eyes. Titig na nagpalakas ng kabog ng dibdib niya. "Gusto ko. Gustong gusto ko, Azul." Napaawang ang labi niya sa sinsiridad ng pagkakasabi nito nun sa kaniya. Bakas sa mukha nito na gusto nga nito ang alok niya. "Okay." Inalis na nito ang tingin sa kaniya at nagfocus na sa pagmamaneho. Dumaan nga muna sila sa grocery para bumili ng mga kakailanganin. "Should we buy some drinks?" Tanong nito ng mapadaan sila sa linya ng mga inumin. "Umiinom ka ba?" "Oo naman. Gusto mo ba?" pinasadahan niya ng tingin ang nakahilirang alak. "Your dad..." Nilingon niya ito at kinunutan ng noo. "Hmm?" "Hindi ba magagalit ang papa mo?" tanong nito. “Wag na lang siguro." ibinalik nito iyon sa hilera. Sinimulan nitong itulak cart kung saan nakalagay ang mga pinamili pero agad na pinigilan niya ang lalake. "Ano ka ba. Siguradong makikigulo yung papa ko mamaya sa atin. Hahanap at hahanap yun ng alak. Kaya mas mabuti ngang bumili na lang tayo." Siya na mismo ang naglagay ng alak sa cart. Baka nga hindi lang ang Papa niya ang makikigulo mamaya. Nasisiguro niyang pati ang mama niya. Ususera pa naman yun. Kumuha na rin sila ng ilang chichirya. Nag-agawan pa sila sa pagbayad nang nasa counter na sila ng lalake pero hindi ito pumayag na siya ang magbayad kaya wala siyang nagawa kundi ang hayaan na lamang ito. “May barbecue date po kayo?” “Ha?” Ngumiti ang cashier sa kanila habang patuloy na nagpa-punch ng pinamili. “Yes, miss.” nakangiting tugon ni Klei. “Ang sweet niyo naman po.” binigay nito ang pinamili sa kanila. “Enjoy!” Alanganing nginitian niya pabalik ang babae. Wala na ang araw ng makalabas sila. Pinasok ng lalake ang pinamili sa kotse bago sila sumakay at tinahak na ang daan pauwing bahay nila. Kanina pa niya natawagan ang nanay niya para ipaalam na pauwi siya at magba-barbecue sila sa kanila. Pinaulanan siya nito ng tanong ng sabihin niyang pupunta ang lalake sa bahay nila. Kesyo bakit daw biglaan siyang mag-uuwi ng lalake sa kanila. Seryoso na daw ba siya dito at iba pa. "Sana pagkarating mo na lang sinabi sa amin na mag-uuwi ka ng lalake!" sarkastikong sabi ng mama niya sa kabilang linya. "Ma, wag na wag niyong sasabihin yan pag kasama ko na si Klei. Nakakahiya." saway niya dito. Mukhang pagsisisihan niya ang disisyong sa bahay nila sila magba-barbecue. "Jusko. Naistress ako. Mahal, naihanda mo na ba yung sugbahan saka uling? Yung mesang maliit ilabas mo na dito, Pula!" "Ma, ang sakit sa tenga ng boses mo." rinig niyang reklamo ng kapatid. "Tumahimik ka nga diyan. Hala, ayusin mo yan at ako'y mag-aayos ng sarili. Naku~" Pinatay na niya ang tawag. Hindi naman halatang excited ang Nanay niya no? Napapailing na ibinulsa niya ang cellphone. "Tahimik ka dyan?" pansin niya kay Klei. Pinaglaruan ng daliri nito ang labi. "Sorry. Kinakabahan lang. Kung alam ko lang na ngayon ko makikilala ang parents mo, nag ayos man lang sana ako." Natawa siya ng silipin nito ang mukha sa salamin. "Ano ka ba. Gwapo ka parin naman." He grinned because of what she said. "Not that handsome para mahulog ka?" Smooth. Napailing siya. He laughed after seeing her reaction. Kahit simpleng puti na damit at joggerpants na itim lang ang suot nito ay hindi naman nakabawas sa kagwapuhan ng lalake. Mas lumilitaw nga ang kagwapuhan nito dahil sa simpleng damit. Malayo pa lamang ay pansin na niya ang maliwanag na bakuran nila. Pinark ng lalake ang kotse nito sa tabi at sabay silang lumabas. Sinalubong sila ng Mama niya na nakaabang na sa pintuan ng bahay nila. Hindi nakaligtas sa mata niya ang nakaready na na mga gamit. May upuan at mesa na sa labas may iilan na ding karneng nakahiga sa sugbahan na binabantayan ngayon ng nakasimangot niyang kapatid. "Ang bilis niyo namang makarating, anak!" bungad ng mama biya habang ang mga mata ay nasa kasama niya. Nagmano siya dito at saka nilingon si Klei na nakangiti na ngayon sa nanay niya. "Magandang gabi po, tita." Lumapit ang lalake at nagmano din sa nanay niya na medyo ikinagulat din niya. "Magandang gabi din sayo. Anong pangalan mo iho?" malaki ang ngiti ng nanay niya ng tanungin nito ang lalake. "Kleinton po, pero Klei na lang para sa inyo." Nagniningning ang mga mata ng mama niya habang nakikinig sa lalaki. “Naku! Ang gwapo gwapo mo naman at bagay na bagay sayo ang pangalan mo iho. Halika, pasok ka muna sa bahay namin." Hinila nito si Klei sa loob ng bahay nila. "Pasensya na po pala sa biglaang plano namin tita. Naabala pa tuloy kayo." Umiling ang nanay niya. "Naku, wag mo isiping naabala kami. Ano ka ba." Lihim n napaikot niya ang mga mata. E kanina halos murahin na siya nito sa cellphone. Napakaplastic ng nanay niya, grabe. Tinawag nito ang Papa niya na saktong pababa galing itaas. "Mahal, halika. Ang gwapo ng manliligaw ng anak mo!" inilapit nito si Klei na masunurin. Her jaw dropped. Mabilis na sinaway niya ang nanay niya dahil hindi naman iyon totoo. "Ma, hindi ho siya nanliligaw!" Pinanlakihan niya ng mata ang Nanay niya. “Ha?” bingi-bingihan ang nanay niya. "Bakit hindi?" tanong ng tatay niya. "Pa!" "Oo nga. Maganda naman ang anak namin. May trabaho saka maalaga." lingon nito sa lalaki. "Ma, tumigil ka." Jusko! Binubugaw siya ng sarili niyang mga magulang. Namumula ang pisnging hihingi sana siya ng paumanhin kay Klei nang ngumiti ito. Tuwang tuwa ata ito ng makita siyang nasa ganoong sitwasyon. "Ang totoo po niyan..." Lahat sila napunta ang atensyon kay Klei nang magsalita ito. He suddenly looked nervous pero hindi nito inaalis ang tingin sa kaniya. ".... gusto ko po talagang ligawan ang anak niyo." Ayan tama sabihin mo ang toto~ Sandali. Napaawang ang bibig niya sa sinabi nito. What the hell? Anong sinasabi ni Klei? Hindi lang siya ang nagulat sa oras na iyon. Klei looked at her and smiled. “Aba! Pasadong pasado ka na sa amin Klei.” halos pumalakpak ang nanay niya sa saya dahil sa narinig. “Gusto ko ho sanang malaman ang sagot ni Azul, tita.” Hindi niya alam ang sasabihin. Ang mga mata ng nanay niya ay nanlilisik na sa kaniya habang ang tatay niya ay nakamasid lang. “A-Ano...” “Oo lang ang sagot, Azul.” ani ng nanay niya. Napakamot siya sa ulo. Hindi niya alam ang sasabihin. Lalo pa at nasa harap sila ng mga magulang. Bakit kasi ganto. “Mag-uusap ho muna kami ni Klei.” agad na nilapitan niya ang lalaki at hinila palayo sa mga magulang niya. Dinala niya ito sa likod ng kanilang bahay. “Anong sinabi mo dun?” “Sabi ko liligawan kita.” diretsong sagot nito. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may lalaking nagsabi ng nararamdaman nito sa kaniya kaya hindi niya maexplain ang feeling. Nahihiya siya na natatakot. “Alam mo, wag mo intindihin si Mama. Kung ano lang talagang lumalabas sa bibig nun. Okay? Hindi mo kelangang sabihin yun sa harap nila.” Nagsalubong ang kilay ng lalake sa sinabi niya. “Tara na nga.” Akmang tatalikod na siya ng pigilan siya ni Klei sa palapulsuhan. Bumaba ang kamay nito hanggang sa hawak na nito ang palad niya. His soft warm hand enveloped hers. Nanlaki ang mga mata niya. “Azul. Seryoso ako nung sinabi kong gusto kitang ligawan.” She gulped. “Klei...” “I like you. Please allow me to court you.” he caressed her hand. Bakit ganto na lang ang t***k ng puso niya? Tila gusto nun kumawala sa dibdib niya sa oras na iyon. Oo, mabait na tao si Klei, madali itong pakisamahan. Pero hindi siya pwedeng basta basta na lang magdedesisyon. She's still into Nyxx. Yun ang totoo. Ayaw niyang makapanakit ng iba lalo na't alam niyang may pagtingin parin siya sa boss niya. Hindi sapat ang ilang araw na nakasama niya si Klei para mapalitan ang pag-ibig niya kay Nyxx na tumagal ng ilang taon. Ano na Azul? Inaantay ni Klei ang sagot mo! “A-Ano—” “Ate nandito si seniorito Nyxx!” Save! Gusto niyang pasalamatan ang kapatid na biglang lumitaw mula sa kung saan at tinawag siya. Dumako ang tingin nito sa magkahawak kamay nila ni Klei saka siya pinagtaasan ng kilay. Pero teka anong sabi nito? “Sinong nandito?!” Baka nabingi lang siya at narinig niya ang pangalan ni Nyxx. “Puntahan mo kaya ng malaman mo.” masungit na sabi nito bago sila tinalikuran. Nilingon niya si Klei. “H-Halika doon na muna tayo.” Hinila na niya ang lalaki papuntang harap ng bahay nila. Alam niyang gusto nitong marinig ang sagot niya pero ayaw niyang magpadalos dalos. Wala namang sinabi si Klei, siguro alam nitong hindi pa niya mabibigay ang sagot niya sa ngayon. Paliko na sila ng makarinig siya ng tawanan. Ang sabi ni Pula nandito si Nyxx. Akala niya nagbibiro lang ang kapatid, ano na man kasing kailangan ng lalake sa ganitong oras? “He's here.” bulong ni Klei ng marating na nila ang harap ng bahay. Mabilis lang nahanap ng tingin niya si Nyxx na kausap ang Papa niya. Nakuha agad nila ang pansin nito mukhang inaabangan nito ang paglabas nila. “Oh, andyan na pala sila.” “Nyxx? Anong ginagawa mo dito?” nagtatakang tanong niya ng makalapit sila. “Ano ba namang klaseng tanong yan Azul? Para namang tinataboy mo si Seniorito.” Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng Papa niya. Baka iyon nga ang isipin ni Nyxx pag di niya bawiin iyon. “P-Pa, hindi naman ganun. Tinatanong ko lang naman siya.” Mali ba yung pagka-katanong niya? Nagtama ang tingin nila ng lalake at wala na ang ngiti nito na ipinakita kanina sa mga magulang lalo na nung lumipat ang tingin nito sa kaniyang katabi. Nagkasukatan ng tingin ang dalawa. Hindi nakaligtas sa kaniyang tingin ang pagdilim ng mukha ni Nyxx ng bumaba ang mga mata nito sa kamay niyang nakahawak sa braso ni Klei. Tarantang inalis niya ang kamay. Anong problema nito? “Nakakadisturbo ho ata ako.” Pairap na nilingon nito ang Papa niya nung sabihin nito iyon. Napanguso siya. “Naku, hindi naman. Oo nga pala, ...” inakbayan nito si Klei at hinarap kay Nyxx. Napangiwi siya ng makitang nagpapalitan ng seryosong tingin ang dalawa at walang balak magpatalo. “Si Klei, manliligaw ng anak ko.” She coughed. Klei smirked at tila iniinis lalo ang kaharap. “M-May problema ba sa Ukitan?” sinubukan niyang agawin ang atensyon ng lalake. Umiling ito. Kung ganun, ba't nandito siya kung kelan nandito pa si Klei. “Nabutas ang tire ng kotse ko habang papauwi. Luckily, nasa unahan lang ng bahay niyo.” “Napansin ko siya sa labas kanina ate. Nakakahiya namang hayaan ko siyang lamukin sa labas habang nag-aantay ng sundo kaya tinawag ko na.” ani ni Pula na ikinataas niya ng kilay. Her brother is giving her weird expression. “Ang gandang timing seniorito. Mag-iinuman kami nitong si Klei ngayon mabuti pa samahan mo na lang kami.” Umayaw ka please. He glanced at her. Sana mabasa nitong gusto niya itong tumanggi. “Hmm. Matagal tagal na rin nung huling inom ko.” Napapikit siya. Kainis naman! “Aba! Ayos yan! Tara na at makarami.” She face palmed. Nalintikan na. Hindi nga nagtagal naging maingay na ang bakuran nila dahil sa tatlong lalake. Idagdag pa ang nanay nila na ayaw tantanan si Klei kakatanong ng kung ano ano.Inabala na lamang niya ang sarili sa pag-aasikaso ng barbecue. Napangiwi siya ng makita ang mga boteng wala ng laman. “Saan ba kayo nagkakilala nitong anak namin, iho?” “Binigay ho ni Jersey ang number ng anak niyo sa akin.” “Aba, paalalahanan mo nga ako mahal na ilibre minsan yung si Jersey.” “Pag nakauwi dito.” nasa maynila kasi nagtatrabaho ang dalawa niyang kaibigan. “Yang si Azul, masyadong pihikan yan sa lalake. Wala kaming nababalitaang tinatanggap na manliligaw kahit may umaaligid naman. Ewan ko ba kung bakit mas gusto nitong magtrabaho na lang.” “Naku, kaisa-isa naming babae yan. Hindi ako papayag na tumandang dalaga yan.” Kulang na lang kainin siya ng lupa sa pinagsasabi ng magulang niya. Hello? Nandito lang siya sa tabi ng mga ito. Baka nakalimutan niyo lang naman ma, pa. “Azul, ano ka bang bata ka! Tabihan mo doon ang bisita mo!” Pagalit na bulong ng nanay niya ng tabihan siya nito at pasimpleng kinurot sa braso. Inagaw nito sa kaniya ang pamaypay at ito na ang gumawa. “Pero ma—” Ito na nga lang ang pagkakataon para makaiwas siya sa masamang tingin na ipinupukol ng isa dun sa kaniya, tinataboy pa siya na nanay niya. “Ako ng bahala dito. Heto na lang din naman ang huli. Dalhin mo na yang luto doon.” She sighed. Binitbit na niya ang nakaplatong barbecue at tinungo ang mesa kung nasaan ang tatlo. Sandali pa siyang napahinto ng makitang ang libreng upuan lang ay nasa tabi ni Klei at ni Nyxx. “Tabihan mo doon ang bisita mo!” nagreplay ang sinabi ng nanay niya kani-kanina lang. Parehong bisita niya ang dalawa. Saan siya tatabi? “Hey.” Dumako ang tingin niya kay Klei na medyo namumula na ang pisngi dahil kanina pa umiinom. Tinapik nito ang sandalan ng katabing upuan kung saan nakaakbay ang isang braso nito. “Okay ka pa ba? Namumula na ang pisngi mo.” pansin niya dito ng maka-upo. Kumurba ang labi nito at nginitian siya. Hinayaan niyang paglaruan ng daliri nito ang buhok niya. “Yes. I can still see your pretty face clearly kaya nasisiguro ko na okay pa ako.” Ngumuso siya para pigilan ang ngiti. “Baliw.” Humalakhak ito. “Tss.” Napasulyap siya kay Nyxx ng marinig niya itong bumubulong - bulong. Inisang lagok nito ang inumin na nasa baso bago muling naglagay sa baso. Sinalinan din nito ang tatay niya na lasing na talaga dahil tawa ito ng tawa. Wala ba itong balak tumigil? Uuwi pa to mamaya. Tinext na ba nito ang driver nito? “Ma, pahintuin mo na si Papa lasing na siya. Gumagabi na rin magmamaneho pa pauwi si Klei.” “Pwede namang dito mo na lang yan patulugin.” Umirap siya sa hangin. “Nyxx, iho.” nilingon ng papa niya ang lalake. “Ho?” “Matagal na kayong magkasama nitong si Azul, wala man lang ba nabanggit sa iyong may nagugustuhan?” Nyxx looked at her meaningfully. “Wala. Pero kung meron man ho siyang nagugustuhan, sigurado akong gwapo at may ibubuga yun.” Wow. “Pa, tama na yan. Wag na kayo uminom. Ikukuha ko lang kayo ng tubig sa loob.” hindi sumagot ang katabi niya. Hindi niya alam kung tulog na ba ito o ano. Tumayo na siya at iniwan na muna ang mga ito. Tulog na ang kapatid niya at inaakay na ng nanay niya ang papa niya papuntang kwarto. Nakakaramdam na din siya ng pagod pero kailangan niya pa maglinis sa kalat nila. Tinungo niya ang kusina at binuksan niya ang refrigerator nila at kinuha ang pitsel ng tubig doon. Sinara niya ang pintuan ng ref at nasapo niya ang dibdib sa gulat ng makita si Nyxx sa likod nun mabuti na lamang mahigpit ang hawak niya sa pitsel kung hindi baka nabitiwan na niya iyon. “Nyxx!” Bakit hindi man lang niya naramdaman na sumunod pala ang lalake? Hindi nito kasama si Klei ibig sabihin naiwan ang lalaki sa labas. “Let's talk.” “Sandali, ihahatid ko lang muna tong tubig kay Klei balika—” “You're confusing me.” Natigilan siya sa sinabi nito. Bakas ang pagkalito sa mukha ng lalake. “First, you confessed to me that you like me pero tumatanggap ka naman ng kung kaninong number para makipag dinner.” he laughed sarcastically. “Tapos nagpapareto ka pa sa Lolo ko. Then this? Magpapaligaw ka? Are you playing with me? Because it's f*****g working, Azul! I was confused as fuck.” Sa puntong yun, she doesn't know what to say. Nakatitig lang siya sa lalaki na nakasabunot sa buhok. “Please stop sending me wrong signal.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD