CHAPTER 48 --------------------- BRANDEE POV --------------------- Nung mga nakakaraang araw ay napapansin ko nga na parang napa praning ako sa mga bagay na hindi ko maintindihan. "Ma'am Brandee may ibibilin po kayo?" Tanong sa akin nung katulong na lumapit. Nag buzzer kasi ako kanina. "Ah oo, aakyat lang ako sa kwarto ko sandali. Pagdumating si Ged, paupuin mo na muna sya sa may lanai ha," bilin ko sa kanya. Nung sumagot yung kausap ko ay pumanhik na ako sa taas upang maglinis ng aking sarili. "San ang gora mo ghorl at mukhang ang sexy sexy mo naman yata? hmm..." Narinig kong tanong ni Vher paglabas ko ng pintuan ng kwarto ko. I didn't know that he was waiting for me to come out kaya nagulat talaga ako. "What are you saying? Lagi naman akong sexy ah!" Parang batang depensa ko.

