CHAPTER 37 ----------------------- BRANDEE POV ----------------------- Grabe! Hindi pa nga ako nakaka move on sa nangyari kanina ay eto na naman! "Ma'am okay na po," sabi ni Ged sa akin nung mailapag na nya ako sa may passenger seat. Sorry naman at nanatili pa rin akong nakakapit sa kanya dahil medyo nag enjoy kasi ako kaya hindi ko napansin na it's over na pala. "Ah, okay sige," nahihiyang sabi ko sabay alis ko ng mga kamay ko sa may balikat nya. "Ma'am hindi ko akalain na mabigat po pala kayo," narinig kong sabi ni Ged na bahagya pang hinilot yung braso na nangawit yata. "Mabigat po pala kayo." Iyan ang mga words na nagpaulit ulit sa utak ko habang hindi makapaniwalang nasundan ko nalang ng tingin si Ged habang papunta sya sa may driver's seat. "Mabigat daw ako?" Hindi makapan

