HINDI INAASAHAN ni Liza ang pagsulpot ni Jared sa kanyang bahay. Nabigla pa siya nang makita ito sa harapan ng gate nila. “Anong ginagawa mo rito at paano mo nalaman ang address ko?” tanong niya sa lalaki. “Kung gusto ay may paraan,” wika n Jared sa kanya. “Pwede ba akong pumasok?” tanong pa nito kaya pinapasok niya ito sa loob ng bahay niya. “Anong kailangan mo?” tanong niya sa lalaki. “Nang malaman ko na umalis ka ng mansyon ay na-guilty ako. Mukhang kasalanan ko yata kung bakit ka umalis ng bahay. Sana hindi ko sinabi sa’yo ang mga ‘yon. Sana ay ikakasal ka’na ngayon kay Mike,” wika pa ni Jared sa kanya. “Dapat pa nga siguro akong magpasalamat sa’yo. Kung hindi dahil sayo ay baka hindi ko pa rin alam ang itinatago ni Mike,” malungkot niyang sagot. “At dahil doon kung kaya kayo na

