TAHIMIK NA UMIINOM si Arya sa isang bar kung saan niya palagi nakikita si Jared na nakatambay. Sinadya niya talagang pumunta sa naturang bar upang mapansin ni Jared. Kilala niya ito sa mga kwento ni Miko. Ang lalaki ang kanyang gagamitin upang makapasok siya sa buhay ng mga Salazar. Ang dating pa lang ni Jared ay mukhang babaero na. Aside sa bar ay palagi rin itong nasa casino. "Alone?" tanong sa kanya ng lalaki sabay hila sa upuan sa kanyang harapan at umupo. Ngumiti ito ng matamis sa kanya. "Do I know you?" tanong niya kunwari na hindi interesado. "I'm Jared Salazar," wika nito. "Salazar?" Ngumisi ito sa kanya na nagmamayabang. "Yes, I'm Salazar. Came from a well known family," pagyayabang p nito. Akala mo naman ay hindi niya alam na ampon lamang ito. "Kayo ang mga may-ari ng

